^

Metro

Kontraktor ng DPWH, balak kasuhan ng MMDA

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Makaraang sila ang mapagbuntunan ng matinding galit ng mga motorista pinag-aaralan ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sampahan ng reklamo ang kontraktor ng Department of Public Works and Highway (DPWH) dahil sa walang abisong ginawang paghuhukay sa EDSA-Cabrera sa Pasay City na naging sanhi ng matinding trapik nitong nakalipas na mga araw.

Kasabay nito, tinaningan din ng MMDA ang kontraktor hanggang Lunes para tapusin ang kanilang proyekto.

Kasabay ng panawagan ng MMDA sa  mga motorista na magbaon ng mahabang pasensiya dahil sa mabigat na trapik na dadanasin ng mga ito.

“As a temporary measure and to make it passable to motorists, we have put steel plates on the area. But this still causes the motorists to slow down which results to traffic build up,”  ayon kay MMDA General Tim Orbos.

Ayon sa MMDA, noong nakaraang taon ay binigyan nila ng permit ang DPWH hinggil sa naturang proyekto, subalit  dahil sa inisyu nilang moratorium hinggil sa pagpapatigil sa mga road cons­truction ng panahon ng Kapaskuhan ay pansamantalang sinuspinde muna ito.

Nabatid kay Orbos, pinag-aaralan nilang sampahan ng reklamo ang C&F Construction, ang kontraktor ng DPWH na namamahala sa paghuhukay ng drainage sa naturang lugar, dahil itinuloy pa rin nila ang proyekto noong Huwebes na wala man lamang abiso sa kanila.

Nabatid pa sa MMDA, na ang naturang proyekto ay nagdulot ng napakabigat na daloy ng trapiko hanggang Balintawak, Quezon City. 

 

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with