^

Police Metro

Misis may iba, mister nagbigti

CEBUPEDIA - Lordeth Bonilla - Pang-masa
Misis may iba, mister nagbigti
Ang nasawi ay kinilalang si Julius Sarino, estud­yante ng TESDA, nakatira sa #35 Sampaguita Extension, Lakeview Homes, Brgy. Putatan ng naturang lungsod.
File photo

MANILA, Philippines – Hindi matanggap ng isang 26-anyos na lalaki ang ginawang pagtataksil ng kanyang misis nang malaman na may iba itong lalaki kaya’t sa sobrang sama ng loob ay nagpasya itong magpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti kahapon sa Muntinlupa City.

Ang nasawi ay kinilalang si Julius Sarino, estud­yante ng TESDA, nakatira sa #35 Sampaguita Extension, Lakeview Homes, Brgy. Putatan ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang matagpuan ang biktima ng pamangking si John Carlo Tampon, 23,  na nakabigti ng nylon cord sa loob ng bahay nito sa nabanggit na lugar.

Kinalag ni Carlo ang tali at humingi ito ng tulong sa mga kapitbahay upang dalhin sa pagamutan ang tiyuhin na kung saan ay hindi na ito umabot ng buhay.

Ayon sa salaysay sa pulisya ng ina ng biktima na si Juditha Sarino, parati umanong naglalasing ang kanyang anak dahil nagkaroon ito ng depression hinggil sa problema ng pamilya nito matapos umanong malaman na may ibang lalaki ang kanyang misis.

vuukle comment

TESDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with