^

Police Metro

Amo, 2 pa kinasuhan ng murder sa pagpugot sa kasambahay

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahapon ay pormal nang kinasuhan ng murder ang tatlong suspek kabilang ang amo na pumugot sa kasambahay na si Rachelle Sagang, 17, na ang katawan ay natagpuan sa Bulacan habang ang ulo ay sa Makati City.

Ang mga suspek na kinasuhan ng murder sa Makati City Prosecutor’s Office ay sina Aleli Froilan Yap (amo ng biktima); Akiko Nyron San Diego Lindon at Crissamae Aniel Chali “alias Samantha”,  pawang nasa hustong gulang at  residente ng #101 panulukan ng Caimito at Tamarind Sts., Brgy.Ayala Alabang Village, Muntinlupa City.

Nabatid, na  si Richelle ay dinala sa guard house ng Ayala Alabang Subdivision noong Enero 12 dahil pinagbibintangan ng mga suspect na sangkot sa pagnanakaw at kinagabihan ng nasabing araw ay natagpuan ang katawan nito sa Santa Maria, Bulacan, alas-11:00 ng gabi at ang pugot na ulo ay natagpuan sa isang creek sa Kalayaan Avenue sa Ma­kati City noong Enero 14.  

vuukle comment

RACHELLE SAGANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with