^

Entertainment

‘Ang Eat Blog Ko!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Madalas kong dikdikin sa sulok na ito

Na habang tumatanda isang biyahero

Ay lalong napapalapit sa puso nito

Ang pinakamalapit ding bansa n’yang gusto!

 

Hindi lang dahil distansya usapan dito

Kundi sa lugar na ring ‘yay lahat kumpleto!

At ano pa ito para sa Ang Poet N’yo

Kundi HONG KONG, MACAU, JAPAN ang tanging tatlo!

 

At meron akong balita sa inyong bago —

Dahil dito na lang nga laging nagtutungo,

Lalo sa Macau – Hong Kong eh alam ba ninyo,

‘Yung Peking duck tawag sa akin isnabero!

 

Eh pa’no turing na lang dito’y ordinaryo!

Pwera yabang, ‘di na s’ya MUST EAT sa lista ko!

‘Wag sasama loob nya’t tanggal nga rin WAGYU!

Sa ngayon pasok sa MUST EAT LIST ko na la’y TWO!

 

‘Yung isa nga hindi pa laging sigurado

Sapagkat taglamig lang nagkakaron nito —

Ito ‘yung SHANGHAI CRABS na isang paborito!

Op kors ROASTED YOUNG PIGEONS complete MUST EAT LIST ko!

 

Ngunit nung nagbalik Hong Kong nung December 2,

May pinagdalhan sa’kin restaurant misis ko,

At dito na nga ay lubos kong napagtanto —

May tatalo pa pala sa pigeon kong gusto!

 

Sa matagal nang pagbisita sa Hong Kong ko,

Sa Macau Pigeon House lang sa Lock Road ang tungo,

Subalit sa may Granville pala I did not know,

Nandun PINAKAMASARAP! Sa buong mundo!

 

Hijo de pu… geon talaga ako’y animo

Isang patay-gutom na may toyo sa ulo!

Nang kaning mainit binusan na ikamo

Ng toyong may pigeon liver nakupo sauce ko!

 

“ITS SAUCE SARRRAPPP!” sabi ko at ETO NA ITO!

Kumbaga sa beauty pigeon numero uno!

It’s true hindi ako mapapahiya dito!

Kaiba’t nag-iisa ang linamnam nito!

 

Sa tindi ng kwento tuloy nalimutan ko

Ang pangalan nga pala ng restawrang ito —

TAI PING KOON! TAI PING KOON! Pakatandaan ninyo!

Nagbukas ONE HUNDRED FIFTY-SEVEN YEARS ago!

 

At upang magtagal nga sila nang ganito,

Ibig sabihin sinasabi ko’y totoo!

Matanda nga waiters kung mapapansin n’yo

Sapagkat nauna sila na’y apo-apo!

 

Naturalmente recipe nila’y sikreto,

Pero palagay ko wala naman siguro,

Nalimutan lang ng ibang kopyahin ito

Sa sarap ng kain nila ng pigeon dito!

 

After this PIGEON PAGEANTRY na nabasa n’yo,

May magsa-suggest mag-FOOD BLOGGER kaya ako!

Well, excuse me po at ‘wag na lang at ayoko!

AYAW KONG MAKITA NG IBA ANG EAT BLOG KO!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with