^

Entertainment

‘Sikreto Ng Mga Pogi’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Sikreto Ng Mga Pogi�

SIKRETO NG MGA POGI kung paano name-maintain ang kanilang youthful tienes whatever —Simple lang, Ang Poet N’yo dahil sa MAINTENANCE! Si Bossing wala pa yata nun pero nagte-take ng POLENG-BEE!

Pag may nagsabing, “’Di kayo tumatanda ‘no?!”

Lalong-lalo po sa Ang Poet N’yo, UY THANK YOU!

Pakiwari n’yo lang ‘yun at sa tingin ninyo!

May dahilan bukod sa masaya trabaho!

 

Kapag may nagsabing, “Mas pogi ka in person!”

“PALITAN MO TV MO!” ang aking reaction!

Naturalmente sa harap mo wala naman

Ang magsasabi sa ‘yo ng kabaliktaran!

 

Araw-araw kasi kami’y nakikita n’yo

Kaya tila mahirap bigla lang magbago!

Kailangan matagal na ‘di makita mo

Isang bagay upang mapansin pagbabago!

 

Walang lihim! Pare-pareho lang ang tao!

Katulad n’yo ‘di na rin ayos buto-buto!

Pa’no name-maintain “young looks” ko? Ang sikreto?

MAINTENANCE, PEACE and ORDER NANG ORDER SA RESTO!

 

Totoo! Inalis ko lang ay sigarilyo!

At s’yempre pa pati ibang masamang bisyo!

Iwas din pagbabasa ng kung ano-ano!

All in a moderate way lang… in short, INAMO!

 

Ano pa nga ba mga ubra kong masabi?

Puno kasi kami ng Vitamins E and B!

Walang GIN, oks lang siguro GENES at JEANS syempre!

Si Pareng Vic nga nagte-take pa ng POLENG-bee!

 

O ayan “nagte-take ang ginamit kong linya,

Ang isusulat ko sana ay TUMITIRA!

Eh baka sa akin merong mga tumira!

At baka ang dating “NAANO” sa kanila!

 

Pero wala sa mga boys “nagpapatira”…

Nagpapa-ano… nagpaparetoke ba!

Well, kung saka-sakali man ay merong… isa?

Si Allan K.? Sa nose lift yun naman sumobra!

 

Mapalad lang dahil kami’y nabiyayaan

Ng isang gawaing parang bahay-bahayan!

Parang naglalaro lang lahat ay magaan,

Hindi man maligo hindi n’yo malalaman!

 

Sawa na kayo malamang sa kasabihan

Na, “Kapag sa gawain mo’y nasisiyahan,

Hindi ka na magtratrabaho kailanpaman!”

Pati nga pagtanda ay makakalimutan!

 

Balikan ko lang ‘yung BAWAS SA PAGBABASA,

Eh pa’no hanggang ngayon nagdedebate pa!

“ANG ITLOG AT KAPE AY NAKAKABUTI BA?”

No ending kahit itlog mo’y kulay kape na!

 

Well, ang desisyon talaga ay kanya-kanya,

Pakiramdaman n’yo lang kung sa inyo’y oks ba,

Kung pati sa pakiramdam ay wala ka na,

‘Di ka na rin tatanda! Wala nang problema!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with