Sexual Performance ni Mister
Hindi maiaalis na nag-aalala rin ang mga mister sa kanyang sexual performance, kung nasisiyahan ba si misis at kung nabibigyan ba niya ng kaligayahan si wifey. Nag-aalala rin si hubby ng kanyang future na baka hindi na siya makapag-perform sa gabi kasama si misis.
Ang pag-aalala ni mister ay senyales ng low self-confidence nito. Ang lalaking nakararamdam na bigo sa kanyang performance sa kama ay nawawalan din ng self-respect na hinahanap niya. Ang kahihiyan at low self-esteem na nararanasan ng lalaki ay pumapalpak ang kanyang diskarte sa buhay. Panay ang pagwawaldas ng pera, nakikipag-inuman, panay ang party, nagsisimula ng negosyo, at kung anu-ano pa. Minsan gustong mapag-isa sa kuwarto at tumahimik.
Kailangan maramdaman ni kuya na tanggap siya ni misis at mag-share sila ng sexual pleasure para magkaroon ng feeling na karapat-dapat, makisig, at katakam-takam pa rin si mister. Maniwala ka, hindi intensiyon ni mister na saktan si misis. Sapat nang nasasaktan si mister ng kanyang sarili.
Nakakalito at masakit man, kailangan samahan ni misis si mister sa kanyang pinagdaraanan. Huwag sumuko dahil higit na kailangan ni mister ang suporta at pagmamahal ni misis.
- Latest