^

Pang Movies

Pero tuloy ang pananampalataya, Kris never daw inasahan ang kinahinatnan ng career!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Maraming nakiki-simpatya at nagpapa-cheer up kay Kris Aquino nang aminin niya sa isang Instagram post na ang nangyayari sa buhay niya ay never niyang inasahan.

Common knowledge na malabo siyang makabalik sa kasalukuyan sa TV scene dahil hindi nagpapakita ng kahit katiting na interes ang ABS-CBN at GMA 7 na bigyan siya ng show. Maging ang nauna niyang planong sa social media platforms magpo-focus habang wala pang TV project ay hindi nag-click dahil wala pa namang pumatok na local online show sa bansa.

“The kids & I are leaving tomorrow  (they chose where I’ll spend my birthday). These arrived to greet me in advance... won’t lie to all of you, my life recently hasn’t been what I expected or prayed for- but holding on to my faith. Thank You to friends who just want to see me smiling again,” kumpisal niya noong isang araw na ang picture ay si Bimby habang may hawak na mara­ming lobo.

By the time na binabasa ninyo ito, ay tiyak na nakaalis na ang mag-iina.

Sa February 14, Valentine’s day, ang birthday ni Ms. Kris pero wala rin naman siyang inaamin na official na nga sila ni QC Mayor Herbert Bautista kahit na nga raw mas inuna ni HB na puntahan si Kris sa Rome kesa mag-attend ng graduation ng anak niya sa isang film school sa Amerika.

Erich napagod na sa pagbabayad?!

“I’m tired of paying,” ang sagot daw ni Erich Gonza­les sa rason ng mainit na usapang hiwalayan nila ni Daniel Matsunaga.

Ayon sa katsika ko kahapon, ayaw na lang i-elaborate ni Erich kung ano ‘yun pero nahulaan na tungkol nga ito sa pamilya ng actor na diumano ay nakatira sa kanyang bahay.

At kaya raw ‘nauntog’ ang actress, may nag-advice daw rito na hiwalayan na ang actor habang hindi pa sila nagpa-planong pakasal.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with