^

Entertainment

‘News ko po!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Narito mga Headache, este Headlines pala

Ang nakakasirang-ulo ng balita na!

“Isang bagon ng tren ang biglang rumagasa

At lumabas ng riles, pumasok ng EDSA!”

 

Sabi ng nagpapatakbo nang ma-interview,

Kasi raw tinitirhan ang riles ng tao

Kaya naisip n’ya tren naman ang itakbo

Sa aspalto at semento para FAIR ano!

 

Ngek! Mula Third Level, Greenhills Parking nangyari,

Isang kotse lumipad diretso sa kalye!

‘Di na nag-normal exit parang in a hurry,

‘Di kaya ayaw lang magbayad ng parking fee?

 

But wait lang, ang tren daw back to normal na naman!

Babalik? You mean meron na namang Tutuban?!

Syanga pala, alam n’yo ba ang pinagmulan

Ng “Tutuban”? Well, believe it or not … CHOO-CHOO BARN!

 

From Choo-Choo lumipat naman tayo ng CHA-CHA,

Sayaw na urong-sulong ang mga tirada?

Hindi, ‘yung sinusulong lang ng mga iba

Na balita nga raw ay tsumu-CHU-CHU lang ba!

 

At eto ang mahilig hindi lang sa Cha-Cha,

Pati Tango at Rhumba — ito si Dionisia!

Ang ermats ng Pambansang Kamao nga pala

Ang Pambansang Kalamansi at may asim pa!

 

Kung sa’n maligaya si PacMom ay okey lang,

“Age does not matter” … sa States “cougar” ang tawag d’yan,

COUGAR, short for A-COUGAR-DIAN … Ngek! AKO GUARDIAN?

Dun sa mas bata parang ikaw ang magulang!

 

Karapatan ng kahit sino to be happy,

Kung si Dabarkads Marian nga ay may Dingdong eh!

At saka ano naman ba ang inyong paki

Kung type makahimas ng Dingdong ni Mommy D.?!

 

At syempre wala nang urong at in-announce na

Ang wedding date ni Dingdong at Marian Rivera,

Kaya ‘yung iba ay magladlad na rin sana —

Mga bading, ikakasal at may anak na!

 

In the news din tinatawag na Term Extension,

Ang Dabarkads who sang “Pagdating Ng Panahon”

Na may same-sex marriage pero ayaw ng ampon,

So looking for donor … ‘yung nag-i-SPERM EXTENSION!

 

May Papa si Marian … new Papa si Dionisia …

 Papa na si Aiza … paparating pa Papa!

At sa nagpapabata, papa-stem cell ka ba?

Papasa at papayagan ba marijuana?

 

Paparami ang tanong at mga diskurso,

Paparumi na rin paligid sa totoo,

Papagulo nang papagulo na ang mundo,

Papa’no na?  Basta ba may “papa” lang tao?

 

“Papa” o pagkain o “foods” or something to eat —

Nagmula salitang ‘yan sa batang maliit,

“Mamam” nama’y sa iniinom ang kalakip,

PAPA at MAMA ‘yun! Hindi n’yo ba naisip?!

Naku po, pagpunta raw rito ni  Pope Francis,

Bad news for the rich, politicians and VIPs

Na makikipag-rub elbows sa Pope ang nais

Like lang ni Pope lunch WITH victims of calamities!

 

He, he, he … ito’y naisip lang ng Poet N’yo —

‘Di kaya yung rich VIPs at pulitiko

Magsira ng damit, dumihan mukha nito

At pumapel silang mga biktima dito?!

 

Ngek! At active na naman daw ang Bulkang Mayon!

‘Di na lava binubuga kundi silicone!

Ngek! Of course joke lang pero hindi ang Super Moon,

End of the world na raw ang ibig sabihin nun!

 

The end na rin ang isang Hollywood comedian

Na nagpakamatay dahil daw sa depression,

At nagbigti lang sa hawakan ng pintuan!

At ginamit nga lang din ang kanyang sinturon!

 

Maraming nagtaka bakit ‘yun ang paraan,

Bakit ‘di na lang nagbaril at sosyal pa ‘yan?

Mabilis pa’t isang bala lang kailangan,

May DOUBT kaya s’yang hindi mag-FIRE ang kanyang gun?!

 

And no doubt and spreading like wildfire naman ngayon

Sa social media itong make-up transformation,

Asar la’t lahat George Clooney nagsisiksikan

Kaya Ang Poet N’yo na la’y nag-George … Washington!

vuukle comment

ANG PAMBANSANG KALAMANSI

ANG POET N

BRVBAR

DABARKADS MARIAN

KAYA

LANG

NGEK

PAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with