^

Dr. Love

Laging bigo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

First of all, allow me to extend  my warm greetings to you. Sana ay maratnan ka ng sulat ko na nasa mabuting kalagayan.

Tawagin mo na lang akong Roel, 19 years old at hindi na po ako nag-aaral sa college dahil sa kakulangang pinansyal.

Ang hindi ko maunawaan sa sarili ko, hindi pa ako nagkaka-girlfriend. Sa tuwing didiskarte ako, lagi akong basted.

Naiinggit ako sa mga katropa ko na laging nakikipag-date. Ako, ni minsan ay hindi pa nakakahalik sa babae.

Ano po kaya ang mabuti para lumakas ang appeal ko at hindi na mabasted? Umaasa ako sa maipapayo mo Dr. Love at maraming salamat.

Roel

Dear Roel,

Tatlong bagay ang puwedeng maging dahilan: Una, ang ugali mo. Suriin mo ang sarili mo ay baka may magaspang kang ugali na dapat mong baguhin. Magtanong ka sa mga kaibigan mo kung anong ugali mo ang puwedeng maka-turn off sa isang babae.

Pangalawa, personal hygiene at pag-aayos ng katawan. Ang babae ay attracted sa mga lalaking neat at walang masamang amoy.

Pangatlo, ang iyong hindi pagpapatuloy ng pag-aaral. Hindi katuwiran ang kakulangang pinansyal. Sa ngayon ay may free college education na puwede mong aplayan sa mga state colleges.

Siyempre, ang sino mang babae ay tumitingin  sa kanilang future. Bakit naman sila papatol sa mababa ang pinag-aralan na hindi makapagbibigay ng financial security?

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with