^

Dr. Love

The other woman

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Umaasa ako na makarating sa palad mo ang sulat ko na nasa mabuti kang kalagayan.

Ako po si Jimmy, 36 anyos at kung maaari ay huwag mo nang banggitin ang buo kong pangalan. May asawa ako at apat na anak at may hawak na mataas na posisyon sa kumpanya na aking pinaglilingkuran. Masaya ang aming pamilya at kaming mag-asawa ay model couple pa sa aming church.

Sana ay magsilbing aral ang ikukuwento kong kasaysayan sa ibang mambabasa ng iyong kolum. Responsable akong asawa at mahal na mahal ko ang aking pamilya.  Hindi ko akalaing mahuhulog ako sa tukso nang pumatol ako sa pang-aakit ng aking sekretarya.

Maganda siya pero wala akong intensyong magkaroon ng relasyon sa kanya.  Pero natukso ako at hindi ko na sasabihin ang detalye nito. Bagay itong pinagsisisihan ko dahil kilala ako sa buong opisina na taong may takot sa Diyos at may mataas na moralidad.

Sa isang gabing ako ay nakalimot at pumatol sa babaeng yaon, hindi ko akalaing nahulog ako sa bitag. Pagkatapos ng gabing yaon ay sinabi ko sa aking sekretarya na huwag na naming ulitin ito.

Pero may pam-blackmail pala siya sa akin. Kinunan niya ako ng litrato habang hubot hubad sa hotel na pinuntahan namin. Sabi niya, kung puputulin ko ang relasyon sa kanya ay ilalantad niya ito. Ayaw kong ma-eskandalo ngunit ayaw ko na talagang ituloy ang bawal na relasyong ito. Ano ang gagawin ko?

Jimmy

 

Dear Jimmy,

Harapin mo ang iyong pagkakamali. Aminin mo at pagsisihan ito, unang una sa Diyos at sa iyong asawa. Tungkol sa babaeng namba-blackmail sa iyo, puwede mo siyang idemanda kapag inilantad niya ang larawang ipinananakot niya sa iyo. Ngayon pa lang ay ipakita mong hindi ka natatakot sa kanyang banta.

Kung hindi mo gagawin iyan, habambuhay kang magiging alipin niya. Haharap ka sa matinding kahihiyan pero iyan lamang ang naiisip kong paraan para makawala ka at magkaroon nang kapanatagan ng isip. Kung minsan, nakagagawa ng kamalian ang tao at sa bawat maling nagagawa natin, may mga consequence na dapat tayong harapin.

Wala kang ibang makakaramay kundi ang iyong asawa. Naniniwala ako na patatawarin ka niya lalo pa’t ngayon mo lang naman nagawa ang ganyang pagkakamali.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with