^

Dr. Love

Ipinagdarasal na ‘di matuloy ang pagbubuntis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Panay ang pagdarasal ko pero hindi ako nakakatiyak kung diringgin ng Diyos ang pagsusumamo ko na huwag matuloy ang pagbubuntis ko.

Practicumer ako sa isang private company at doon ko nakilala ang intern din na si Caloy. Galing siya sa kilalang university ng mga nakakaangat sa lipunan. Dahil parehong department kami nai-assign, naging magkaibigan kami.

Madalas ay inaalok niya akong sumakay na sa kanyang kotse dahil dinadaanan naman niya ang LRT station na sinasakyan ko pauwi.  Pabor ‘yun sa akin kaya pumayag na ako.

Sa ganong sitwasyon ay na-develop ang feelings ko sa kanya. Inakala ko na ganoon din siya sa akin. Kaya napalagay ang loob ko sa kanya at hindi nagdalawang-isip na sumama nang yayain niya ako sa birthday ng kaibigan niya.

Inumaga na ako noon, Dr. Love. Bagaman may kiliti sa puso ko, hindi ko naman madedma ang kaba na nararamdaman ko dahil baka magbunga ang gabing ‘yun.

Hindi nga ako nagkamali, buntis ako. At ngayon ay hindi na nagpakita si Caloy. Hindi na niya pinapasukan ang internship niya. Hindi ko po alam kung paano ko haharapin ang sitwasyon ko, halos araw-araw ay naiiyak ako at nakikiusap sa Diyos na huwag matuloy ang pagbubuntis ko, kahit hindi naman ako sigurado kung pakikinggan niya ako.

Hindi pa po alam ng mga magulang ko ang kalagayan ko dahil natatakot ako. Ano po ang gagawin ko? Pagpayuhan po ninyo ko.

Didith

Dear Didith,

Wala kang dapat gawin kundi tanggapin at ituloy ang pagbubuntis hanggang mailuwal mo ang bunga ng iyong pagkakamali. Tantanan mo na rin ang maling pagdarasal na hindi matuloy ang iyong pagdadalang-tao, dahil walang kahihinatnan ‘yun. Ang dapat ipagsumamo mo sa Panginoon ay tulungan kang magpakatatag para malampasan mo ang pinagdaraanan mo.

Umuwi ka sa pamilya mo at sabihin ang iyong maselang kalagayan. Dahil gaano man sila ma­galit, ang pamilya mo pa rin ang makakatulong sa’yo sa oras nang pangangailangan.

Sana may natutunan ka sa mga nangyari.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with