PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bigo sa pag-ibig

Dear Dr. Love,

Sana ay maging punung-puno ng biyaya ang pagpasok ng 2018 sa buhay ninyo.
Sumulat ako para ikunsulta ang aking problema sa pag-ibig.

Tawagin n’yo na lamang akong Ariston, 19 years-old. Ang una kong siyota ay nakilala ko noong 2015 wala pang dalawang taon ang aming relasyon ay nauwi rin sa breakup. Ang dahilan ay ang minsan ko lang hindi pagsipot sa date namin. Madalas, kung siya ang nale-late o hindi sumisipot sa date namin ay tinatanggap ko ang kanyang paliwanag. Pero minsang ako ang hindi nakasipot ay binreak niya ako.

Nagkaroon ng pangalawang babae sa buhay ko, 19 years-old siya. Maganda at maputi. Ang akala ko ay siya na ang makagagamot sa sugat sa aking puso. Pero pareho lang pala sila. Tatlong buwan lang ang itinagal ng aming relasyon. Dati kaming magkasama sa trabaho. Bago ako umalis mag-on pa kami. Nag-promise siya sa akin na lahat ng sulat ko ay sasagutin niya. Limang sulat ko na pero ni isa ay walang sagot. Ni tawag sa telepono na hinihintay ko ay wala rin.

Kaya nagpasya akong pasyalan siya sa trabaho niya. Laking tuwa ko nang magkita kami. Subalit iyon na pala ang huli naming pagkikita. Tinanong ko siya kung bakit hindi siya sumasagot sa sulat ko. Ang sabi niya, may pumuno na ng pagkukulang ko.

Nasaktan ako nang labis sa ginawa ng dalawang babaeng minahal ko. Sana mapagpayuhan ninyo ako.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ariston

 

Dear Ariston,

Ang tanging masasabi ko, marami ka pang mga  babae na makikilala sa darating na mga araw at may pag-asa kang hindi na mangyayari ang pagkaunsiyaming dinanas mo sa pag-ibig.

Sa susunod na magkaroon ka ng girlfriend, dapat na ipakita mong mahal mo siya hindi lang sa salita kundi ipadama mo rin ito.

‘Yung una mong girlfriend, parang gumawa lang ng dahilan na mag-break kayo. Iyon namang panga­lawa ay kay daling nakalimot at naghanap na ng iba kahit katatalikod mo lang.

Maaaring hindi sila sigurado sa iyo. Wala silang maalalang pinagsamahan ninyong sweet sa bawat isa dahil maaaring mahiyain ka at ni hindi makahawak ng kamay ng babae.

Sana matuto kang mag-handle ng isang babae. Talagang sala sa lamig, sala sa init ang pakikitungo sa kanila kaya kung hindi ka marunong tumunog kung ano ang gusto nila ay maiiwanan ka sa kangkungan.

Dr. Love

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: