PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dapat bang umatras?

Dear Dr. Love,

Hi po, Dr. Love. Sana po ay matulungan mo ako sa aking problema. Ako po si Lovely, 20 anyos at nakatakdang ikasal sa aking boyfriend sa Marso nang susunod na taon. Marami na ang nakakabatid ng aming balak.

Isa pa, kasama sa planong ito ang aming mga magulang na matalik na magkaibigan dahil magkakabarkada sila sa college.  Kung ako ang tatanungin, hindi ko masyadong type ang fiance` ko. Oo nga, guwapo siya at may kaya, pero hindi ako kinikilig sa kanya. But since ito ang plano ng aming mga magulang ay wala akong magagawa kundi sumunod.

Pero habang papalapit ang araw ng aming kasal, parang lalung tumitindi ang pagtutol ng kalooban ko sa kasal na iyon. Ganun din naman ang feelings ng boyfriend ko. Sabi niya, hindi siya makahindi sa mga magulang niya sa kapareho ring dahilan.

Puwede ba naming atrasan ang planong ito?

Lovely

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

Dear Lovely,

Kailanman ay hindi dapat saklawan ng mga magulang ang pagdedesisyon ng anak na nasa wastong gulang.

Kung pareho kayong napipilitan lang ng boyfriend mo, nasa inyo ang lahat ng dahilan para umatras sa kasal na iyan na tanging ang mga magulang ninyo ang nagbalak.

Tutal, pareho kayong nasa tamang gulang at siguro, kung ipapaliwanag ninyo nang mabuti sa mga parents ninyo na talagang walang namamagitang pag-ibig sa inyong dalawa, hindi rin nila hahadlangan ang ikaliligaya ninyo.

Isipin mong mabuti na ang kinabukasan mo ang nakataya. Ang pagpapakasal sa taong hindi mo naman mahal ay kalbayro habang buhay.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: