PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Naakit sa pamangkin

Dear Dr. Love,

Hindi ko akalain na sa edad na 50 anyos ay mapaglilinlangan pa ako nang payagang maangkin ng lalaking inakalang tunay ang ipinagtapat na damdamin.

Nagtuturo po ako sa barangay high school at may isang dekada nang sumakabilang buhay ang aking mister. Tanging ang pamangking si Patricia ang kasama ko sa aming bahay.

Naiwan ng aking mister ang kabuhayan naming poultry at piggery kaya nag-hire ako nang mangangasiwa rito. Tinanggap ko ang aplikasyon ni Rodel, 30-anyos siya at pinatunayan naman niya na hindi ako nagkamali nang pagpili sa kanya. Mahusay siya sa agriculture na kursong kinuha niya pero dahil sa kawalan nang kakayahang tustusan ng magulang ay nahinto siya. 

May sariling kubo si Rodel, doon siya nakatira kasama ang dalawa pang trabahador.

Lingid sa aking kaalaman ay noong una pa lang ay natitipuhan na niya ako, bagay na ipinagtapat niya nang minsang magkasarilihan kami nang ipagmaneho niya ako. Kinagabihan ay inakyat na niya ako sa aking silid dahil hindi na raw siya makapagpigil. Gusto raw niya akong paligayahin.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Iyon na po ang simula ng magandang relasyon namin. Gabi-gabi na siyang natutulog sa aking silid, kaya naman nang magkasunod na gabi na wala siya ay nagtaka ako. Kaya naisipan kong bumaba sa kanilang kubo para tingnan kung naroon siya.

Lubhang ikinabigla ko ang aking nasaksihan. Dahil nang buksan ko ang lahat ng ilaw sa kubo ay lumantad ang parehong hubad na katawan ni Rodel at ng pamang­kin kong si Patricia.

Hindi sila magkatuto nang maaktuhan ko ang aktuwal nilang pagtatalik habang tuliro rin ako sa pagtataksil ng lalaking pinagkatiwalaan ko. Mabilis na sinabi ni Patricia na nagmamahalan sila. Pero agad itong sinalungat ni Rodel at sinabing nilasing at inakit siya ng pamangkin ko.

Noon din ay pareho ko silang pinalayas. Makaraan ang tatlong buwan ay bumabalik si Rodel, humihingi ng tawad at hindi na raw niya uulitin. Pero wala na ang pagmamahal sa kanya, baka patayin pa niya ako kung pababalikin ko siya.

Tama ba ang ginawa ko, Dr. Love? Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat at happy holidays sa inyo.

Gumagalang,

Zennia

 

Dear Zennia,

Naniniwala ako na hindi garantiya ang edad para hindi na mapaglalangan lalo na sa usapin nang pagtatangi sa opposite sex. Hindi malayong totoo ang palagay mo na gawan ka pa ng masama ng ex-lover mo ngayong wala na ang pagmamahal mo sa kanya. At hindi rin posibleng pera lang talaga ang pakay niya dahil sa maiksing panahon na nakuha niya ang loob mo ay nagawan ka na niyang pagtaksilan.

Pinakamainam na ituon mo na lang ang iyong lakas at panahon para pagyamanin ang iniwang kabuhayan ng iyong mister para kapag dumating ang pangangailangan ay may seguridad ka na makapagpapagamot ka at makakakuha ng matinong tagapag-alaga.

Have a blessed New Year!

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: