PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Biglang nagbago

Dear Dr. Love,

Bumabati po ako ng mabiyayang Pasko at pinagpalang New Year sa inyo.  Tawagin n’yo na lang akong Desiree, I am getting 20 years old on January 6.

Sumulat ako tungkol sa lalaking crush ko pero kinaiinisan ko ngayon. Paano ka naman ‘di maiinis, noong araw panay ang paramdam niya. Nginingitian ako, madalas may mga nakaw siyang tingin sa akin, tapos ngayon ay nagbago na siya. Sabi ko pa naman, kapag niligawan niya ako ay sasagutin ko siya agad.

May dalawang linggo na siyang hindi namamansin. Naiisip ko tuloy na baka pinaglaruan lang niya ang damdamin ko. Nag-flirt kunwari, tapos bigla akong ‘di papansinin.

Bakit may mga ganyang lalaki, Dr. Love? Nakakainis talaga. Pagpayuhan mo naman ako kung ano ang dapat kong gawin?

Desiree

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dear Desiree,

Hindi mo puwedeng sisihin ang taong nagpakita lamang ng kabaitan sa una tapos biglang nagbago at hindi na namansin.

Kung sinadya man niyang gawin ito para paglaruan ang damdamin mo, paano mo iyon mapapatunayan?  Wala yatang isinasaad sa batas na puwedeng parusahan ang taong kagaya niya.

Puwede ring hindi niya ito sinasadyang gawin kaya hindi mo siya masisisi. Masyado mo lang talagang kinarir ang pagsulyap-sulyap niya sa iyo at inakala mong may gusto siya sa iyo.

Kalma ka lang. Malay mo balikan ka niya at ligawan. Kung hindi mangyari, move on young girl. Hindi lang siya ang lalaki.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: