PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Saan magpa-Pasko, Bagong Taon?

Dear Dr. Love,

Taun-taon sa selebrasyon ng Pasko at bagong taon, sa bahay ng parents ko kami nagno-noche buena dahil tradisyonal ito ng aming pamilya.

Masaya ang bonding naming magkakapatid, gayundin ng aming mga anak na hindi naman palaging nagkikita sa buong taon. Dahil malalayo ang kani-kaniya naming tahanan.

Ang pinoproblema ko po ay ang papalapit nang Pasko, na mukhang hindi ako makakapunta sa bahay ng mga magulang ko. Dahil nag-request ang mga biyanan ko na sa kanila naman mag-reunion, uuwi po kasi ang dalawang kapatid ng mister ko galing US.

Gusto ko sanang makipag-bargain sa aking asawa, na sa kanila kami magpa-Pasko pero sa pamilya ko naman magba-bagong taon. Pero buo ang pasya niyang pagbigyan ang magulang na ngayon lang humingi ng pabor.

Kaya hindi ko po malaman ngayon kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko ang tungkol dito nang hindi sasama ang loob nila. Ayaw ko rin na pagmulan nang hindi pagkakaunawaan naming mag-asawa kung igigiit ko na parehong mapagbigyan ang aming mga magulang.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Payuhan mo po ako kung paano ang gagawin ko. Merry Christmas and a Happy New Year po!

Gumagalang,

Alice

Dear Alice,

Naniniwala ako na higit na malawak ang pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak. Kaya kahit pa sa unang pagkakataon ay hindi ka at ang pamilya mo makakadalo sa reunion ng pamilya ninyo, sa palagay ko sa una lang ang pagtatampo. Dahil maiintindihan nila na magulang mo rin ang magulang ng asawa mo, na minsan lang nag-request ng reunion sa kanilang panig.

Maaaring makabuti kung sadyain mo ang iyong mga magulang para ngayon palang ay ipabatid sa kanila ang sitwasyon, nang sa gayon ay personal nilang makita ang sinseridad mo sa pangambang ipagdamdam nila ang tungkol dito. Alam ko na maiitindihan ka nila.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: