PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Napuno’ na sa pagtitiis

Dear Dr. Love,

Isa po akong driver, 40 anyos, may asawa at tatlong anak.

Pareho kaming walang naabot na mataas na pinag-araalan ng aking asawa, pero nagsisikap na tumayo sa sarili naming mga paa para itaguyod ang aming pamilya.

Ang problema po ay hindi ko na matiis ang padagdag nang padagdag na mga kamag-anak ng aking asawa sa aming bahay. Magkano lang naman po ang kinikita ng pangkaraniwang taxi driver na gaya ko.

Maraming pagkakataon na hindi namin malaman kung paano pagkakasyahin ang lahat ng bayarin sa apartment, kuryente at tubig; bukod pa ang para sa pag-aaral ng aming tatlong mga anak.

Noong una, hindi ako nagsasalita nang magpunta sa amin ang nabiyuda ko nang biyanan. Pero nagsunud-sunod na ang iba pang mga kamag-anak ni misis. Solo lang po akong kumakayod.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mabuti ang tumulong, pero hindi na tama kung ang sariling kapakanan ng aming mga anak ay naaapektuhan na. Hindi na magkasya ang aming bigas at ang marami pang bagay sa aming bahay.

Dr. Love, nagpantig nang husto ang tenga ko at nasigawan ko si Chona. Puro na lang kapakanan ng mga kamag-anak ang nasa isip niya. Ni hindi niya naisip ang kalagayan ko sa pamamasada at nakuha pa niyang magsustento para mapakapag-aral ang isang pamangkin.

Minasama ng biyanan ko ang pagsasagutan naming mag-asawa at nag-alsabalutan. Bago siya umalis ay sinabihan akong bastos at walang respetong manugang.

War pa rin po kaming mag-asawa ngayon. Ano po ba ang dapat kong gawin sa sitwasyong ito?

Gumagalang,

Pablito

Dear Pablito,

Hindi kita masisisi kung napuno ka na sa pagtitiis. Kung sana ay ikinonsidera ka rin kahit paano ng iyong asawa, maaaring hindi umabot sa hindi maganda ang sitwasyon.

Ang maipapayo ko ay humingi ka ng paumanhin sa biyanan at asawa mo. Sikapin mo na mahinahong maiparating sa kanila ang kalooban mo. Mabuti ang tumulong pero tama ka, na unahin ang kapakanan ng sariling pamilya.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: