^

Dr. Love

Desperadong mag-asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang po akong si Diana, 27 taong gulang. Ika nga ng marami ay malapit nang pag-iwanan ng biyahe. Kaya naman nag-set ako ng self-imposed deadline sa edad na 30-anyos para mag-asawa.

Ibig-sabihin nito, may tatlong taon na lang ako para mahanap ang lalaking makakasama sa buhay.

May mga nanliligaw naman po sa akin pero wala sa kanila ang hinahanap kong mga kata­ngian sa gusto kong mapangasawa.

Hindi naman po perpekto ang gusto ko. Basta may pirmihang trabaho, maaasahan bilang katuwang sa buhay at bilang ama ng aking mga magiging anak.

Wala rin po sa aking pamantayan na mas malaki ang sweldo niya kaysa sa akin. Ang mahalaga ay may disposisyon sa buhay at maru­nong magdala ng pamilya.

Nitong huli, may mga bago akong nakilala at natitipuhan ko na po sana. Ang problema ay makaraan ang ilang ulit na date ay hindi na sila nagpaparamdam.

Habang ang mga manliligaw ko na lantaran ko nang sinasabihan na kaibigan lang ang maasahan ay siya namang pursigido. Ano po kaya, sagutin ko na ang nagpapakamartir para lang matupad ko ang self-imposed deadline ko sa pag-aasawa? Payuhan po ninyo ako. Ayaw ko po mapag-iwan  ng aking mga kaibigan dahil isa-isa na silang nag-aasawa.

Maraming salamat po at happy holidays po sa inyo.

Gumagalang,

Diana

 

Dear Diana, 

Para sa akin walang ibang dapat na maging dahilan nang pagpasok sa relasyon kundi pag-ibig. Dahil madalas, kung hindi ito ang batayan ay nauuwi rin sa paghihiwalay.

Huwag ka masyadong ma-pressure sa pag-aasawa. Ang gawin mo ay palawigin mo ang iyong aktibidad, lumabas ka at mas i-expose ang sarili sa iba’t ibang okasyon, anong malay mo matagal ka na rin hinahanap ng ideal partner mo.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with