^

Dr. Love

Nadaig ng matinding pag-ibig

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kamusta po kayo, Dr. Love? Ipinaaabot ko sa inyo ang isang mapagpalang araw pati na sa iba ninyong kasamahan.

Nais ko po na humingi ng mahalaga ninyong payo sa dinadala kong problema. Ako po si Miling, 25 anyos.

Dr. Love, na-inlove ako sa isang lalaking ‘di na malaya. Hindi naman siya nagkaila sa akin. Inamin­ niyang may pamilya siya. Palibhasa’y mahal ko siya, binalewala ko ang pangaral ng mga magulang ko.

Sa simula, ayaw ko sana siyang patulan pero nadaig ako ng aking damdamin. Mabait siya at maalalahanin.

Umalis ako sa amin at sumama sa aking kasintahan sa kanilang lalawigan. Pero hindi ko makasundo ang mga kaanak at magulang ng live-in partner ko. Dahil dito ay nagpasya na lang akong lumayas nang walang paalam. Hindi alam ng kalive-in ko na buntis ako.

Ngayon ay pansamantala akong nakatira sa isa kong kaibigan para magpalakas ng loob na bumalik sa aking mga magulang.

Balak kong isilang at palakihin ang aking magiging anak at magbagong-buhay. Dapat ko po bang ipagbigay-alam sa aking kinasama kung saan ako naroroon at ihingi ng sustento ang sanggol na aking isisilang?

Labis po akong naguguluhan.

Miling

Dear Miling,

Yaman din lang na pinangatawanan mo nang harapin ang naging bunga ng iyong kapusukan, makabubuting bumalik ka na lang sa poder ng iyong mga magulang, humingi ng tawad sa pagi­ging matigas ang ulo at harapin nang mahinahon ang mga problemang kaakibat nito.

Puwede mo ring sulatan ang naging live-in partner mo at humingi ng sustento sa isisilang mong sanggol.

Makakatulong din sa iyo ang iyong pamilya sa pagharap ng iyong kasalukuyang problema.

Kung nag-aaral ka, humingi ka ng panibagong pagkakataon sa iyong mga magulang na ma­ipag­patuloy ang iyong pag-aaral pagkaraang maka­pag­silang para magkaroon ng mapagkakakitaan na pangsuporta sa iyong anak.

Marahil ay may natutuhan ka nang aral sa naging­ karanasan mo kung kaya’t iwasan mo sanang maulit pa ang pangyayaring ito sa buhay mo.

Dumalangin kang maging matatag para ma­ita­guyod ang iyong anak.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with