^

Dr. Love

‘Di tanggap bilang madrasta

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagkaroon nang pagkakataon ang pagiging high school sweetheart namin ni Dado nang mabalo siya at muling nagkrus ang aming landas.

Nagpasya kaming magpakasal sa kabila nang pagtutol ng kaniyang mga anak, na mistulang naging protesta ang pag-alis ng kanilang bahay at nagkani-kaniya na.

Sa edad kong 65-anyos ay hindi na rin po ako malakas pero dahil sa pagmamahal ko kay Dado ay walang pag-aalinlangan ko siyang inaaruga. Diabetic po siya at nagpapa-dialysis sa National Kidney Institute and Transplant Medical Center.

Tumatagal nang apat na oras ang session at tatlong beses po ito sa loob ng isang linggo. Sa pakiwari ko po ay kailangan kahit minsan na may kahalili man lang ako. Ang problema ay pinabayaan na ng mga anak niya si Dado.

Alam kong hindi nila ako gusto sa simula pa lang. Ang nasa isip po nila ay inagaw ko sa kanila si Dado at pera lang ang pakay ko sa pagpapakasal sa kanya. Pero ang totoo ay ang kanilang ina na si Celina ang siyang mang-aagaw.

Magnobyo na kami ni Dado nang siraan niya ako para makuha niya ang loob ni Dado. Nagpakasal sila habang ako ay nanatiling single. Pero parang tadhana na ang gumawa ng paraan na maging kami pa rin sa huli.

Ang malungkot na parte po ay nami-miss ni Dado ang kanyang mga anak, na hindi man lang nakaisip na dumalaw sa kanya. Kami pa ang nagsasadya sa kani-kanilang tirahan para lang makita sila ng kanilang ama.

Paano ko po ba maipapaliwanag sa mga anak ni Dado na huwag nilang tikisin ang kanilang ama, sa halip ay pag-ukulan ng panahon sa mga nalalabing araw nito sa mundo. 

Isa pa, nangungulila rin ako sa pagmamahal ng anak at hangad ko na tanggapin nila ako bilang madrasta.

Payuhan mo po ako kung ano ang dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon. Maraming salamat po at hihintay ko po ang inyong kasagutan.

Gumagalang, 

Helen

 

Dear Helen, 

Naniniwala ko na walang hindi madadaan sa mabuting usapan. Makakabuting gamitin mo ang pagkakataon na makausap ang mga anak ni Dado kapag dumalaw kayo sa kani-kanilang bahay.

Sabihin mo lang ang hangarin mong maging maligaya ang kanilang ama sa mga nalalabing sandali niya. Siguro naman sa makikita nilang kalagayan ng kanilang ama ay hindi nila ipagdadamot ang konting panahon para sa kanya.

 DR. LOVE

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with