PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ang yabang mo!

Dear Dr. Love,

Kumusta ka po, Dr. Love? Matagal mo na akong suki sa napakaganda mong kolum at nasisiyahan ako sa mga payo mo.

Tawagin mo na lang akong Paul Lara, 23 anyos at binata pa. Sumulat ako sa iyo para humingi ng payo sa aking problema.

May tatlo akong kasintahan. Hindi ako ipinanganak na pabling pero nagtataka ako kung bakit maraming babae ang nahuhuma­ling sa akin.

Isang taon ko nang kasintahan si Liza nang makilala ko si Norma sa pagbabakasyon ko sa probinsya. Tapos, habang papauwi ako mula probinsya sakay ng isang bus, nakilala ko si Miles.

Madali ko silang napaibig lahat at patay na patay sila sa akin.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa tingin ko ay malulungkot sila kapag iniwanan ko. Kapwa sila mabait, marunong sa gawaing pambahay at uliran.

Naguguluhan ako ngayon. Gusto ko nang magbagong-buhay pero papaano ko sila ibi-break?

Paul

Dear Paul,

Isang bagay lang ang masasabi ko sa iyo. Ang yabang mo, Pare! Sa tingin ko ay nagyayabang at ipinagmamalaki mo ang inaakala mong malakas mong appeal sa babae. Kung totoong naguguluhan ka ngayon, ikaw lang ang gumugulo sa sarili mo.

At kung maniniwala ako sa lahat ng sinasabi mo, tama ka at talagang panahon na para magbagong-buhay ka. Huwag kang magpapaluha ng babae dahil darating ang araw, baka magkaanak ka ng babae na puwede ring pagsamantalahan ng mga lalaking nage-ego trip na tulad mo.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: