^

Dr. Love

Magkakatuluyan ba?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr.Love,

Please, tawagin na lang ninyo akong Roniel, 23 anyos at binata.

Kaya po lumiham ako sa inyo ay para malaman kung magkakatuluyan ba kami ng aking kasintahan. Sana po ay kaming dalawa na ang magkatuluyan. Ayaw ko pong mawala siya sa akin.

Alam ko rin po na base sa mga magagandang payo ninyo sa mga readers ay mabibigyan ninyo rin ako ng magandang advice.

Sapul nang sabihin ko sa kanyang ayaw sa kanya ng mga tiyahin ko dahil masama raw ang ugali niya ay lagi na siyang umiiyak.

Hindi naman po masama ang ugali niya at alam kong mahal niya ako at ganoon din ako sa kanya. Sana po ay siya na ang mapangasawa ko dahil mahal na mahal ko siya. Alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin, Dr. Love.

Roniel

Dear Roniel,

Kung magkakatuluyan kayo ng girlfriend mo, Diyos lang ang nakababatid. Pero nasa saiyo rin iyan kung paano mo ipagtatanggol ang babaeng mahal mo sa harap nang pagtutol ng iyong mga kamag-anak.

Kung sinasabi nila na hindi maganda ang ugali ng syota mo, huwag kang patatangay sa opinyon ng iba. Walang ibang nakakakilala sa iyong kasintahan ng mas malalim kaysa sa iyo dahil ikaw ang kanyang boyfriend.

Kung sa palagay mo’y magiging mabuting asawa ang iyong kasintahan at mahal na mahal mo siya, magdesisyon ka para sa sarili mo. Hindi ka na naman menor de edad kaya desisyon mo ang masusunod.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with