PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Muntik maisahan

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang ninyo akong Simang, 23 anyos at takda na sanang magpakasal sa boyfriend ko.

Ngunit nadiskubre ko mula sa isang kaibigan na may asawa pala ang lalaking ito. Nakatakda na sana kaming ikasal sa Marso nang susunod na taon pero dahil sa nalaman ko, kinausap ko muna siya.

Muntik na kaming mag-away ng kaibigan ko na nagsumbong sa akin dahil iginiit ng boyfriend ko na hindi totoo ang paratang sa kanya.

Ngunit nakakuha ng marriage contract ang kaibigan ko mula sa NSO kaya napatunayan­ kong totoo ang alegasyon. Hindi naman annulled­ ang kasal at ang asawa niya ay nasa Amerika.

Isang garden wedding sana ang plano niya para sa amin at pumayag ako. Isang pastor daw ang magkakasal pero ang hinala ko, ito ay magiging kasal-kasalan lang.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dr. Love, mapagsamantala pala siya at gusto lang akong maisahan. Salamat na lang at hindi ko naibigay ang pagkababae ko sa kanya dahil ako ay isang dalagang konserbatibo.

Dapat ko ba siyang idemanda?

Simang

Dear Simang,

Huwag ka na lang magdemanda and charge it to experience. Isang magandang aral iyan para sa lahat ng babae na huwag karakarakang mag­titiwala sa mga lalaking hindi nila kilala nang lubusan.

Hindi ko alam kung puwede mo siyang kasuhan dahil sa tingin ko, parang isang krimen iyan na balak pa lang at hindi naman natupad. Tutal, hindi ka naman niya nakuha kaya bagay iyan na ipagpasalamat na lang sa Diyos.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: