PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Istrikto si Mader

Dear Dr. Love,

Mabiyayang araw sa iyo. Please, itago mo na lang ako sa pangalang Gem, 27 anyos at wala pang asawa sa edad kong ito.

Naiisip ko na tumatanda na ako at pangarap ko ring magkaroon ng masayang pamilya.

Naiinggit ako kapag nakikita ko ang masayang pamilya ng aking mga dating kamag-aral na lahat ay may asawa na. Natutuwa ako na makita silang masaya sa kanilang buhay kapag naiimbitahan ako sa birthday ng kani-kanilang mga anak.

Kaso mahigpit ang mother ko lalo na sa mga manliligaw. Kaya nga kung magbo-boyfriend ako ay sikreto at ‘di niya alam.

Masungit ang aking ina. At baka kung mag-aasawa ako ay hindi siya makakasundo ng mapapangasawa ko. Isa pa ay hindi sila tatagal sa ugali ng mother ko.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nababagot na ako kasabay ang takot na baka tumanda akong dalaga.

Ano ang maipapayo mo sa akin?

Gem

 

Dear Gem,

Totoo na nagkaka-edad ka na sa gulang na 27 at peligrosong maiwanan sa biyahe.

Actually, hindi ka na puwedeng pakialaman ng magulang mo dahil lampas-lampas ka na sa tamang edad. Ang magulang ay puwede lang  magpayo sa anak pero ang personal na buhay, kapag nasa edad na ay hindi na puwedeng panghimasukan.

Kausapin mo siya ng maayos bilang respeto at alam kong maiintindihan ka niya. Lahat ng ina ay nangangarap din magka-apo kaya sabihin mo na iyan ang regalong gusto mong ibigay sa kanya.

Dr. Love

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: