^

Dr. Love

Puwedeng sumuway sa magulang kung...

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kabilang po ako sa hindi na mabilang na readers ng inyong pahayagang PS NGAYON. Parang kulang ang araw ko kung hindi ako nakakapagbasa ng inyong nakakabisyong diyaryo.

Gaya ng ibang lumiliham sa inyo, mayroon din akong problemang ibig ikonsulta at sana ay mapagpayuhan ninyo ako. Tawagin na lang ninyo akong Rosita, 20 anyos.

One and a half years na kaming mag-on ni Romualdo. Malungkot ang kasaysayan niya dahil nagkahiwalay ang kanyang mga magulang. Elementary lang ang natapos niya pero responsable at mabait siya.

Maayos ang aming relasyon at nagmamahalan kami ni Romualdo. Ang problema ko po ay ayaw sa kanya ng aking parents. May gusto silang lalaki para sa akin na ayaw ko naman. Ano ang gagawin ko?

Rosita


Dear Rosita,

Nasa wastong gulang ka na at nais kong malaman mo na hindi puwedeng manghimasok ang magulang mo sa mga usapin tungkol sa pag-ibig.

Kausapin mo silang mabuti at baka maunawaan ka nila. Sabihin mo na paano ka liligaya sa lalaking ‘di mo naman minamahal?

Ikaw lang ang nakakakilala sa pagkatao ni Romualdo, kaya ikaw lang ang puwedeng magpasya kung patuloy kang makiki­pagrelasyon sa kanya o susunod ka sa mga magulang mo.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with