^

Dr. Love

Nahilig sa porno si Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Lumiham po ako sa inyo dahil nais kong isangguni kung bakit ang aking mister ay nahilig sa panonood ng pornographic video. Noong una ay hindi ko ito napapansin dahil ang panonood ay ginagawa niya sa kanyang laptop mula sa na-download niyang videos sa internet.

Nang matuklasan ko na ang panonood niya ay ginagawa niya sa madaling araw at itinataon niya kung tulog na ako.

Matapos matiklo, nangako siyang hihinto na sa kanyang bisyo. Pero patuloy pa rin po siya sa kanyang midnight habit at tingin ko po, masyado siyang enjoy sa kanyang pinapanood.

Hindi po sana ako magrereklamo dahil buhay niya iyon at bahala siyang managot kay Lord dahil sa pagkakahilig niya sa porno films.

Ang tinututulan ko, ang napapanood niya sa porno videos ay gusto niyang gayahin ko.

Ito po ang mahigpit  na inaayawan ko dahil ang tingin ko, ginagawa niya akong guinea pig.

Lagi namin itong pinag-aawayan at ngayon nga po, hiwalay na kami ng tulugan dahil sa hindi ko masikmura ang gusto niyang ipagawa sa akin.

Payuhan mo po ako. Paano ko po kaya maa­awat ang aking asawa sa kanyang masamang bisyo?

Maraming salamat po at God bless you always Dr. Love.

Gumagalang,

Celia

Dear Celia,

Maaaring ang paghahanap ng mister mo ng ibang means para sa kanyang pangangailangang seksuwal ay indikasyon na nagkukulang ito sa pagitan ninyong dalawa.

Ang maipapayo ko ay higit mong pag-ukulan ng pansin ang iyong mister at unti-unti ay hikaya­tin mo siyang bawasan hanggang tuluyan niyang tantanan ang panonood ng porno. Mabisa rin na isama mo siya sa mga dasal mo at walang mintis na mababago siya ng Panginoon.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with