PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Misteryoso

Dear Dr. Love,

Maganda at mapagpalang araw sa inyo. Isa po ako sa napakaraming mga mambabasa ng Pilipino Star NGAYON, partikular ng kolum na Dr. Love.

Itago na lang ninyo ako sa pangalang Wilma ng Catbalogan, Samar. Umiibig po ako sa isang lalaki na kamakailan ko lang nakilala. Matapos ang ilang araw na pagkakilala, bihira na kaming mag-communicate.

Ang pangalan niya ay Greco. Nang una ka­ming magkita ay pareho kaming maligaya. Parang matagal na kaming magkakilala. Nasabi agad niya sa akin na gusto niya ako. Matapos ang ilang araw, umuwi na siya sa kanilang bayan at nawalan na kami ng komunikasyon.

Palagi pong laman siya ng isipan ko. Bago siya umalis, sinabi niya na muli kaming magkikita. Ito’y isang bagay na hindi naman nangyari.

Hanggang ngayon ay hinahanap-hanap ko pa rin siya. Tama bang magkagusto ako sa lalaking ito?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pagpayuhan po ninyo ako.

Wilma

 

Dear Wilma,

May pagka-misteryoso ang lalaking iyan. Wala kang sinabing sapat na detalye para ma-uri ko ang kanyang pagkatao. Dapat ay ikaw ang unang nakakaalam kung anong klaseng tao siya. Ang isang tao, bago mahalin ay dapat kilala mo na para wala kang pagsisihan sa dakong huli. Ilang taon ka na ba? Attraction lang marahil ang nadarama mo para sa kanya at hindi pag-ibig.

Ang ganitong uri ng damdamin ay madali namang nakakalimutan. Kung hindi mo ganap na alam ang kanyang background, huwag mong masyadong ibuhos ang damdamin mo sa kanya. Malay mo, baka may girlfriend na siya at gusto lang niyang makasilo ng ibang babae nang yayain ka niya sa lodge. Sabi nga, nagpapalusot kung makakalusot.

Kung talagang mahal ka niya, gagawa siya ng paraan para lagi kayong magkita at ganap na magkakilala.

Hayaan mo na lang ang panahon ang magsabi kung lalawig pa ang inyong relasyon. Marami ka pang makikitang iba na lubos mong mamahalin dahil lubos mong kakilala. Enjoy life while you are young. Meet other people at huwag ipako ang isip at panahon sa iisang taong hindi mo lubos na kilala.

Dr. Love

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: