PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Huwag kang susuko

Dear Dr. Love,

Magandang buhay sa inyo. Isa po ako sa maraming tagasubaybay ng inyong column. Sumulat ako para humingi sa inyo ng payo sa problema ko.

Itago n’yo na lang ako sa alias na Lonely Boy, 19 years-old. May problema po ako sa aking mga nililigawan. Tatlo po sila pero basted ako sa kanilang lahat.

Sa tatlo, si Winnie ang grabe ang pagmamahal ko. Pinaghintay niya ako. Ngunit masakit ang nangyari dahil wala pala akong maaasahan dahil binasted din ako.

Si Riza ay mahal ko rin pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay Winnie. Maraming nanliligaw sa kanya kaya minarapat ko na lang na tumigil na.

Ang pangatlo ay si Irene na matanda sa akin nang dalawang taon. Parang katulad ng kay Winnie ang pagmamahal ko sa kanya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa palagay po ba ninyo Dr. Love ay dapat pa akong magmahal gayong tatlong beses na akong nasaktan? Sabi po nila, ang pag-ibig daw ay kusang dumarating sa buhay ng isang tao at hindi hinahanap. Makakamtan ko rin ba ang tunay na pag-ibig?

Lonely Boy

 

Dear Lonely Boy,

Don’t give up. Marahil ay marami ka pang dapat matutunan sa panliligaw dahil bata ka pa. Iya’y bagay na hindi maituturo.

Habang nagkakaedad ka, made-develop ang iyong personalidad at ikaw ay magiging more attractive sa kababaihan.

Pero huwag kang susuko. Makikita mo, dara­ting din ang araw na magkakaroon ka ng syota. Huwag kang mag-apura. Makipagkaibigan ka sa maraming babaeng kasing-edad mo at isa sa kanila’y magiging girlfriend mo, one of these days.

Dr. Love

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: