^

Dr. Love

Nai-in love na sa seminarista

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nasa third year college ako nang magkakilala kami ng boyfriend kong si Edgar. Kahit magkaiba ang linya namin, engineering siya habang ako naman ay nursing, hindi naging hadlang ito para maging masaya ang bawat sandali na magkasama kami.

Hatid-sundo niya ako sa kanyang kotse at kapag na-traffic kami inililibre ko siya sa pagkain.

Nagbago ang lahat nang pareho na kaming maging busy sa pagre-review sa board at dumagdag pa ang hectic schedule ko dahil sa internship ko. Hindi na kami nagkikita kahit pa araw-araw magkausap sa telepono hanggang sa dumalang na rin ang aming komunikasyon.

Sa pagkakadestino ko sa isang ospital, nakilala ko si Roland, lumabas siya ng seminaryo para ipagamot ang kanyang goiter. Ang sabi niya sa akin, pinanabikan niya ang pag-duty ko dahil gusto raw niya akong makita at makausap.

Kalaunan ay nagtapat na siya na ligawan ako. Ito ay sa kabila nang sinabi ko sa kanya na may boyfriend na ako. Ang sabi ni Roland, seryoso siya sa intensiyon niya sa akin.

Sinabi ko kay Edgar ang tungkol kay Roland at tinawanan lang niya ako. Ang sabi niya, may the best man win.

Sa totoo lang po ay nakakaramdam na ako ng kakaibang pagtatangi kay Roland, kaya naguguluhan na po ako. Dapat na ba akong makipag-break kay Edgar kahit may damdamin pa rin ako para sa kanya? Tulungan po ninyo akong magpasiya, litung-lito na po ako.

Maraming salamat at best regards sa inyo.                                                             

Gumagalang,   

Joyce

Dear Joyce,

Mahirap ang magpadalus-dalos ng pasiya, kakakilala mo pa lang kay Roland. Maaaring ang pangungulila mo sa iyong boyfriend ay naibabaling mo lang sa kanya. Pero kung makakatiyak ka na nakakalamang na siya sa puso mo, ikaw lang ang makakapagpasiya. Ang maipapayo ko, siguruhin mo muna ang kalooban mo at saka ka magdesisyon. Dahil hindi naman maaari na magmahal ka ng dalawang lalaki sa buhay mo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with