^

Dr. Love

Lady Boss

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay ang aking pagbati sa inyo at sa lahat ng mga mambabasa ng inyong kolum. Sana, nasa mabuti kayong kalagayan sa pagtanggap mo ng sulat kong ito.

Ako po si Susan, isang saleslady sa isang bantog na mall.

Sana po ay matulungan mo ako sa problema ko sa aking lady boss. Ako lamang ang bumubuhay sa pamilya ko sa ngayon.

Mayroong boyfriend ang aking supervisor na kasamahan namin sa trabaho. Naging kaibigan ko ang boyfriend niya at naging close kami.

Wala naman dapat ipagselos ang boss ko kahit nag-uusap kami dahil may boyfriend na rin ako.

Pero napansin ko na naging masungit sa akin ang aking boss. Kaunting pagkakamali ko ay pinagsasabihan ako nang masasakit. Nagbanta pa siya na irerekomenda ako na maalis.

Minsan ay kinausap ko siya nang sarilinan. Sinabi ko na kung nagseselos siya ay walang dahilan para gawin niya ito dahil magkaibigan lang kami ng boyfriend niya.

Hindi siya kumibo sa sinabi kong iyon, Dr. Love. Ayokong may kaalitan ako sa trabaho lalo pa’t supervisor ko. Ano ang gagawin ko?

Susan

 

Dear Susan,

Simple lang ang magagawa mo. Pagsabihan mo ang lalaki na huwag dikit nang dikit sa iyo.

Dahil trabaho mo ang nakataya, dapat lang na pagbawalan mo siya na kayo’y madalas nag-uusap kapag break time.

Palagay ko naman ay maiintindihan ka niya dahil trabaho mo ang nakataya. Hindi makatuwiran ang ginagawa ng boss mo sa iyo pero nature niya iyan. Selosa siya kaya ikaw ang magparaya.

Kung puwede, sabihan mo ang kasintahan mo na sunduin ka nang madalas para makita ng iyong lady boss nang sa ganoon ay mawawala ang kanyang insecurity at aalisin na niya ang pagtataray sa iyo.

Kaya bago ka matanggal sa trabaho ay iwasan mo na magkadikit kayo ng iyong kaibigan.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with