^

Dr. Love

Bigamy

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mapayapang araw sa inyo. Tawagin n’yo na lang akong Winnie, isang biyuda sa gulang na 30.  Muli akong nag-asawa after two years.

Ang problema ko ay nalaman ko kamakailan lang na may asawa ang napangasawa ko. Kasal kami pero kasal din siya sa unang asawa. Walang annulment.

Nagalit ako nang malaman ko ito. Bigla na lang sumugod sa bahay namin ang asawa niya na galing sa Germany at galit na galit. Buti na lang at umiral sa akin ang hinahon at naipaliwanag ko ang sitwasyon.

Nanghihinayang ako sa relasyon namin dahil minahal ko siya nang totoo. Pero ang pagmamahal na iyon ay napalitan ng galit. Gusto ko siyang idemanda at ‘yun din ang gustong mangyari ng una niyang asawa. Ano ang maipapayo ninyo?

Winnie

Dear Winnie,

Isang legal na usapin iyan. Pero kahit hindi ako abogado, puwede talagang kasuhan ang asawa mo ng bigamy.

Ngunit ang tanging makapaghahabla diyan ay ang taong apektado, tulad mo at ng una niyang asawa. Hindi puwedeng maghabla ang ibang tao para sa inyo, gaya ng ibang krimen.

Personal mong desisyon iyan, at kung nagkasundo kayo ng una niyang asawa na ihabla siya, karapatan ninyo ‘yon.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with