^

Dr. Love

Mahirap mag-isa

Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po Dr. Love? First of all, binabati kita at ang lahat ng mga tagasubaybay mo sa iyong column. Sana nasa maayos kang kalagayan habang tinutunghayan mo ang sulat ko.

Sana, huwag mo nang sabihin ang tunay kong ngalan at ikubli mo na lang ako sa pangalang Lirio, ang hanapbuhay ko ay network marketing at nagtitinda ng mga beauty products.

Two years ago, nakipaghiwalay ako sa aking mister na bukod sa lulong sa sugal at masamang bisyo ay babaero pa.

Malaki ang kita ko at ang sahod niya sa kanyang trabaho ay inuubos lang sa lahat ng kanyang bisyo. Ang bunso ko ay anim na taon na at ang panganay ay nasa Grade IV na.

Aaminin ko na malungkot ang mag-isa at walang katuwang. May manliligaw ako ngayon na isang businessman pero naiisip ko na baka maging complicated lalo ang kalagayan ko dahil kasal ako sa aking asawa. Anong maipapayo mo?

Lirio

 

Dear Lirio,

Mahirap nga ang kalagayan mo lalo na’t may mga pinag-aaral kang mga supling. Pero may asawa ka at bagamat hiwalay kayo ay kasal pa rin kayo. Hangga’t hindi napapawalang bisa ang kasal ninyo, talagang  legally, hindi tama ang makisama ka sa ibang lalaki.

Hindi ako pabor sa pakikipaghiwalay. Ngunit kung talagang wala nang paraan para mabuong muli ang relasyon, mayroon naman tayong batas na puwedeng sundin.

Ngunit bago ka sumuong sa bagong relasyon, tiyakin mong liligaya ka na. Binata ba iyang nanliligaw sa iyo? Mahirap kasi kung ang papasukin mo ay panibagong kalbaryo lang.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with