^

Dr. Love

Guy to gay relations

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa iyo, Dr. Love. Matagal na akong tagasubaybay ng kolum mo at ito ang naging paborito kong basahin. Kung pwede, huwag mo nang sabihin ang tunay na name ko. Just simply call me, Nards.

Mayroon akong best friend na lalaki rin. Huwag kang mabibigla kung sasabihin kong naging boyfriend ko siya. Noong una ay hindi ko alam na gay pala siya dahil kung kumilos ay lalaking lalaki.

Matapos ang anim na buwan na relasyon namin, nagbago siya at hindi ko maintindihan. Kahit po siya gay ay love ko siya kaya masakit sa akin ang kanyang pagbabago.

Hindi na niya sinasagot kapag nagte-text ako sa kanya.

Tulungan n’yo ako sa problema ko.

Umaasa,

Nards

Dear Nards,

Kung pakikipagkaibigan lang ay walang masama kahit pa isang bakla ang kaibigan mo. Pero kung aabot ito sa romantic relations, hindi na ito dapat mangyari dahil hindi pinahihintulutan sa Salita ng Diyos.

Bilang isang Kristiyano, hindi ako pabor dito dahil naniniwala ako sa Salita ng Diyos. Gayunpaman, sino ba ako para kondenahin ka? Humihingi ka ng payo kaya ang masasabi ko sa iyo, kalimutan mo siya at kung makikipagrelasyon ka, dapat babaeng mahal mo ang iyong karelasyon.

Hindi ko masasabi kung ano ang dahilan ng kanyang panlalamig. Iturin mo na lang ito na blessing in disguise para makapag-isip-isip ka.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with