^

Dr. Love

Hulyo 7, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Maghari nawa ang kalooban ng Maykapal sa buong araw.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung may problema, ipagpasalamat dahil dito  makikilala ang tunay na mga kaibigan. Sa halip na mag-alala, manalangin nang taimtim at magtiwala sa Maykapal. Lucky numbers at color for the day ay 1, 19, 25, 37 at sky blue.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Isiping mabuti ang mga dapat gawin na hakbang bago kumilos. Lalong makakasama sa binabalak ang mga desisyong walang katuturan. Pag-isipan ang kalalabasan ng gawain kung magbubunga ng kabutihan o kasamaan sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 2, 37 at lilac.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Magiging masaya ang susunod na mga araw ngunit nakakalungkot na malamang ngayon ay matamlay ka. Maging maunawain at makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Ang tunay na pag-ibig ay nakikita sa gawa. Lucky numbers at color for the day ay 13, 2, 32, 41 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Suliranin sa pag-ibig ang magdadala ng katamlayan. Kung hindi mapaglalabanan, hahantong sa isip na sisirain ang sarili. Huwag mag-alala dahil sadyang hindi siya bagay sa iyo at pagsisisihan mo kung kayo ay magkakatuluyan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 37 at gray.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Huwag mainis kung magiging makulit ang mga taong nakapaligid dahil sadyang malapit ka ngayon sa mga ito. Nais lang nilang may patutunguhang maganda ang iyong pinaghirapan. Huwag maging waldas sa pera. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 29, 37 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kaya masaya ang minamahal ay dahil sa naging mapagparaya at hindi ka naging makasarili. Ang maging maalalahanin ay may ganting pagmamahal. Kung naging makasarili ka noon, ngayon dapat baguhin bago maging huli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 10, 16 at cyan blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maganda ang aura mo sa araw na ito at marami ang magsasabi nito sa iyo. May matatanggap na regalo o imbitasyon mula sa matalik na kaibigan o kamag-anak. Magpasalamat sa Diyos sa mga tinatamasang suwerte upang tuluy-tuloy ang daloy ng kasaganahan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 24, 37 at yellow green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Magiging mataas ang level ng energy mo sa araw na ito. Agad kang makakabawi ng lakas sa sandaling pamamahinga lamang. Magti­yaga nang kaunti upang maraming ma-accomplish. May surpresang naghihintay sa bahay sa iyong pag-uwi na puwede mong ikalungkot o ikagalak. Lucky numbers at color for the day ay 11, 25, 34, 43 at blue violet.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Tatayo kang mentor sa nakakabatang kapatid na may suliranin sa pag-ibig. Ang napagdaanan ay hindi ikakahiyang ibunyag upang makatulong na ma-educate ang isang walang sapat na kaalaman. Gabayan siya at huwag diktahan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 26, 38 at yellow orange.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mag-ingat sa pagsasalita nang hindi mapahiya sa kapwa. Huwag damdamin ang pangyayari dahil makakabawi ka sa ibang paraan. Mag-ingat ngayon dahil magiging malapit sa iyo ang manakawan o ma-hold-up. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 26, 39 at fuchsia.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Ito ang ta­nging paraan upang maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob. Sa pag-ibig, makakarating sa kaalaman ng kapares ang pakikipagrelasyon sa iba. Kung ito ang ginawa, may paliwanag kang gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 18, 24, 34, 40 at jade green.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) – Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga bagay na sinasabi sa iyo. Umaksiyon, huwag pahintulutang manatili sa dibdib ang kinikimkim na sama ng loob. Ipaglaban ang kapakanan. Maging tapat sa tunay na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 20, 27, 35, 42 at orange.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with