^

Dr. Love

Sinubukan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw. Gusto ko lang humingi ng payo sa iyo tungkol sa problema ko sa girlfriend ko. Tawagin mo na lang akong Mike, 24 anyos.

Siyota ko si Maya for over one year at nagbabalak na kaming magpakasal. Hindi ko maunawaan kung bakit nawala ang tiwala niya sa akin.  We have plans of getting married soon. Pero dumating ang time na ‘di na siya nagtitiwala sa akin.

Hindi ko alam kung sinusubukan niya ako. Nagpadala siya ng text message at hindi niya ipinakilala kung sino siya. Matagal ko na siyang girlfriend kaya kahit ‘di siya nagpakilala ay alam kong siya ‘yun.

Tinanong ako kung may asawa na ako o girlfriend. Sabi ko very single ako.

Pagkatapos noon tinext ako ay nyayang mag-eyeball kami. Nagkasundo kaming magkita sa isang lugar pero nang magpunta ako roon, hindi ako nagpakita kundi sinilip ko lang siya. Siya nga ang girlfriend ko. Nakipag-break siya sa akin dahil doon, kahit hindi ko siya tinagpo. Sinabi ko sa kanya na kaya ako sumakay sa text niya ay para matauhan siya.

Matapos ‘yon ay binalikan niya ako para makipagkasundo. Nagsisisi na raw siya. Ngunit tumanggi ako dahil ayoko ang ginawa niya.
Basta’t maharap lang niya ang problema namin.

Aaminin kong love ko pa rin siya pero ayaw ko na talaga. Ibig kong kalimutan siya pero hindi siya mawala sa isip ko?

Pagpayuhan mo po ako.

Mike

Dear Mike,

Kung hindi mo siya malimot at nakikipagbalikan naman siya, bakit hindi mo siya patawarin? Per­pekto ka ba at hindi nagkakamali?

Tingin ko umiiral lang ang pride mo. Iwaksi mo iyan at huwag kang mag-pretend na ayaw mo na sa kanya pero sa loob mo’y mahal mo naman siya. Sa palagay ko ay hindi lang kayo nagkaliwanagang  mabuti and both of you were driven by your pride at nasaktan pareho ang inyong ego to what transpired after that incident.

Forgive each other. Forgive your girlfriend because she has got of her way to show how remorseful she was in treating you that way. Forget what happened and start a new chapter in your relationship. Sayang naman ang pinagsamahan ninyo. I firmly believe na you both love each other pa rin.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with