^

Dr. Love

Mistress ng pulitiko

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa aming urbanisadong siyudad sa lalawigan, walang hindi nakakaalam sa relasyong meron ako sa isang pulitiko. Hindi siya ganap na hiwalay sa kanyang asawa, bagaman nang pumasok ako sa kaniyang buhay ay matagal na silang hindi nagsasama sa iisang bubong ng misis niya.

Kaya lang dahil vice mayor siya at nag-aambisyong maging mayor sa susunod na eleksiyon, kailangan ipakita nila sa publiko na buo ang kanilang pamilya.

Limang taon na ang aming relasyon ngayon at nananatli pa ring pangako ang sinabi niyang isasalegal niya ang aming pagsasama. Dahil gaya niya ay may karelasyon na rin ang kanyang misis at ito ay isang batang abogado.

Naniniwala akong mahal na mahal niya ako at wala raw kuwenta ang kanyang pag-upo sa mas mataas na puwesto kung mawawala naman ako sa kanyang buhay.

Pero mag-30 anyos na ako at nangangamba ako na sa kakahintay ko sa pangako niya ay mawalan na ako nang kakayahang magka-anak. Ano po ang dapat kong gawin? Nakikita ko po na hindi lamang lokal ang inaasinta niyang takbuhan. Payuhan mo po ako.

Maraming salamat po at more power to you.

 Gumagalang,

 Chinita

 

Dear Chinita,

Kung hindi ka na makakahintay sa pangako niya na napipintong mapako na dahil sa mataas niyang ambisyon sa pulitika, get out of that relationship.

Huwag mong sayangin ang pagkakataon na makatagpo ka ng lalaking tapat na magmamahal at magbibigay ng importansiya sa iyo, kaysa maging forever mistress ka na lang ng pulitiko.

  DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with