^

Dr. Love

Sinisisi ni ‘Lady Gaga’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong all around na kasambahay sa isang pamilya na naninirahan sa isang subdivision sa Quezon City.

Dalawang bata na anak ng mag-asawang namamasukan sa isang opisina ang inaalagaan ko. Pero hndi po tungkol sa kanila ang problema ko, kundi sa ina ng aking among lalaki na si Sir Momoy.

Umaakto po kasi itong teenager at mahilig sa mga lalaking mas bata ang edad sa kanya. Wala naman po sanang kaso kung ano ang kahiligan ng matanda, kaya lang ang magagarang polo ni Sir Momoy na nawawala, maging ang mga stock ng alak, pagkain, chocolate at iba pang pagkain na pawang ipinamumudmod niya sa kanyang boyfriend ay sa akin hinahanap ng mag-asawa kong amo.

Kaya napilitan akong ipagtapat ang mga ginagawa ni Lola Mercia, na ayaw patawag sa kanyang pangalan kundi Lady Gaga ang gustong itawag sa kanya.

Dahil dito ay mahigpit akong binilinan ni Sir Momoy na huwag papasukin ng kanilang bahay ang boyfriend ng kanyang ina at kung magpumilit ay tawagan ko raw siya agad sa opisina.

Ganon nga po ang ginawa ko at nagresulta ito sa pagkalamog ng mukha ng boyfriend ni Lady Gaga dahil hindi ito tinantanan ng mga mala-Pacquiao na suntok ni sir. Binantaan niya ang lalaki na kung mu­ling magsasamantala sa kanyang ina ay ipakukuyog sa mga maton sa aming lugar.

Sa akin naman gigil na gigil si Lady Gaga, dahil nagsumbong daw ako. Binantaan din niya ako na ipapapatay. Hindi ko na po hinintay ang pagkaka­taong ito at umalis na ako sa bahay ng mga amo ko.

Pero pinipilit akong bumalik ng amo kong babae, dahil nag-iiyakan ang mga alaga ko sa paghahanap sa akin. Ang totoo, kahit gustung-gusto ko pong bumalik ay napipigilan ako dahil sa minsang pagtatangkang magpakamatay ni Lady Gaga at dahil daw sa akin ‘yun.

Tama po ba ang ginawa ko, Dr. Love?

Gumagalang,

Yaya Linda

Dear Yaya Linda,

Kung ang hindi pagbabalik sa bahay ng iyong mga amo ang magbibigay ng kapanatagan sa’yo, wala akong nakikitang mali. Mas malaking problema kung tuluyang magdilim ang isip ni Lady Gaga at gawing muli ang pagtatangka sa buhay niya.

Maaari ka naman magrekomenda ng iba na pwedeng maging yaya ng mga alaga mo, tiyakin mo lang na matino.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with