^

Dr. Love

Nalulong sa droga

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bumabati po ako sa inyo, Dr. Love. Please call me Rizza, 20 anyos at may boyfriend. 

Nagtatago po ngayon ang boyfriend ko na isang drug user dahil may huma-hunting daw sa kanya. Gusto ng mga parents ko na makipag-break na ako sa kanya. Balita raw nila, siya ay nagtutulak rin ng bawal na gamot.

High school pa lang kami ay magkasintahan na kami at hindi naman siya dating ganon. Kaya nagtagal ang aming relasyon, dahil nagmamahalan kami.

Sabi ng boyfriend ko sa last text message niya, magpapalamig muna raw siya dahil may mga tumutugis sa kanyang killer ng mga drug lords. Kasama po kasi siya sa mga sumuko noon dahil ibig na niyang magbago. Papaano ko po siya matutulungan?

Rizza

Dear Rizza,

Wala kang magagawang tulong kundi ipanalangin mo siya na sana ay huwag matagpuan ng mga humahabol sa kanya.

Karaniwan sa mga user ay nagiging pusher katagalan para may maipantustos sa kanilang bisyo. Marahil, hayaan mo lang muna siyang magtago at sana nga ay walang mangyaring kapahamakan sa kanya.

Sa ngayon, ang kailangan ay maawat siya sa kanyang bisyo. Ito’y bagay na mahirap garantiyahan. Prayer pa rin ang kailangan at ang pagkukusa niyang magpa-rehabilitate.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with