^

Dr. Love

Puro porma ang manugang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang masaganang pagbati sa paborito kong kolumnista. Hindi ko po makumpleto ang aking araw kung hindi ko nababasa ang inyong kolum.
Gusto ko rin po idulog ang bumabagabag na problema sa akin ngayon.

Tatlo ang anak namin ng yumaong mister ko. Bunso at nag-iisang babae si Delia. Matagal nakapag-asawa ang anak kong ito, kundi pa sa pag-udyok ko sa kanya na bago man lang ako maratay sa banig ng karamdaman ay makalagay na siya sa tahimik na buhay.

Makaraang makasal siya kay Dolfo, mina­buti ko na sa aming bahay na sila tumuloy. Malaki naman ang naipundar naming tahanan ng kanilang ama. At plano talaga namin ipamana ‘yun kay Delia.

Empleyado sa government agency ang manugang kong si Dolfo, mabagal ang pag-angat doon. Kaya nakiusap ang anak ko sa kanyang mga kapatid na ipasok ang asawa niya sa kanilang pinagtatrabahohung kumpanya.

Hindi pa man nagtatagal ay wala nang patid ang reklamo ng aking manugang, na gustong balikan ang trabahong may mababang pa­sweldo pero magaan naman daw ang trabaho. Maporma po kasi ang asawa ng aking anak, Dr. Love at sanay siyang magpapetiks-petiks lang.

Masinop ang aking anak, kaya kahit ang maliit na kita ng kanyang asawa ay nagagawa niyang mapagkasya. Pero ayaw ko po sanang manatiling ganoon ang buhay nilang mag-anak. Gusto na nga ng aking anak na bumukod sila ng bahay para mas magpursige ang kanyang asawa na magsikap.

Ayaw ko naman po manghimasok sa kanilang buhay, pero paano po ang gagawin ko? Hindi ko naman magawang pagsabihan ang aking mapormang manugang. Pagpayuhan po ninyo ako. 

Gumagalang,

Aling Ester

Dear Aling Ester,

Bilang magulang, ang tanging magagawa mo lang ay pagpayuhan ang iyong anak. At siya naman ang gagawa nang hakbang para makaunawa ang kanyang asawa. Sang-ayon ako sa opinyon ni Delia na bumukod na sila nang sa gayon ay makita nang malinaw ng iyong manugang ang sitwasyon ng kanyang mag-iina.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with