^

Dr. Love

Hiwalay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Una sa lahat, ipinauuna ko na ang pasasa­lamat sakaling mabigyang-daan ang aking sulat sa inyo. Kasabay nang pagbati ko ng mabiya­yang araw sa inyo at sa mga tagasubaybay ng inyong kolum.

Huwag n’yo nang buuin ang aking pangalan at tawagin n’yo na lang akong Gilda, 34-anyos at mistulang biyuda sa buhay. Dahil hiniwalayan ako ng aking mister, two years ago at iniwan sa akin ang nag-iisa naming anak na lalaki na ngayo’y five years old na.

Balita ko ay may kinakasama siya ngayon na ibang babae. Hindi siya nagpapadala ng sustento sa aming anak at mag-isa kong itinataguyod ang bata na inaalagaan ng aking mga kapatid habang nagtatrabaho ako bilang janitress sa city hall.

Gusto ko pong idemanda siya.  Hindi po ba concubinage ang tawag kapag ang lalaking kasal ay nakiapid sa ibang babae?

Ano po ang dapat kong gawin?

Gilda

Dear Gilda,

Isang usaping legal iyan at wala akong kakayahang magpayo maliban sa payong komunsulta ka sa abogado. Dalawang bagay lang ang puwede mong gawing legal action. Ang maghabol ng sustento o kaya’y ihabla mo siya para siya makulong.

Pero siyempre may gastos iyan. Gayunman, kung sa city hall ka nagtatrabaho, bakit ‘di ka kumunsulta sa public attorney’s office na nagbibigay ng libreng legal assistance.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with