^

Dr. Love

Naguguluhan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ipinaabot ko sa iyo at sa lahat ng sumusu­baybay ang aking isang umaalab na pangu­ngumusta, Dr. Love.

Pakitago na lang po ninyo ako sa alias na Jaime, hindi ko tunay na pangalan para hindi mabunyag sa iba ang aking lihim. Ako ay 30-anyos at may pamilya. Sa mata ng mga taong kakilala namin, model family kami. Kahit hindi masyadong pamilyar ay iginagalang kami.

Pero may lihim kaming alitan ng aking asawa sapul nang malaman niya na may anak ako sa labas, na aking sinusustentuhan sa pag-aaral.

Ito’y bunga ng aking pagkakamali noong araw bago ko pa man makilala ang aking asawa. Pitong taon lang kaming kasal ng misis ko at bago ko siya makilala ay nagkaroon ako ng ka-live-in.

Hindi ko agad ito ipinaalam sa kanya  pero nang maglakas loob akong sabihin ito sa kanya, two years ago ay nagalit siya at hindi na ako kinikibo sa loob ng bahay bagama’t ginagampanan niya ang tungkulin bilang asawa ko.

Ang nakaraan ko ay isa nang tiklop na kabanata pero ang gusto ng misis ko ay talikuran ko ang responsibilidad sa aking anak. Ano ang gagawin ko para magkasundo kami?

Jaime

Dear Jaime,

Bigyan mo ng assurance ang misis mo na wala na kayo ng dati mong ka-live-in at ang ginagawa mo ay isang obligasyong dapat mong gawin sa ilalim ng batas. Anak mo iyon at hindi ka dapat magkulang ng suporta dahil puwede kang idemanda ng ina kung iibigin niya.

Ipaliwanag mong mabuti ito sa iyong asawa na sa tingin ko’y nadadala lamang ng matinding selos. Alam kong sa katagalan ng kapapaliwanag mo ay mauunawaan niya ito.

Itanong mo sa kanya: Gusto mo ba na ihihinto ko ang suporta sa anak ko pero ako naman ay makukulong?

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with