^

Dr. Love

Rape victim

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po, Dr. Love. Gusto ko pong ikonsulta sa inyo ang aking problema. Ayoko na sanang sabihin ang pangalan ko dahil masyadong personal ang problema ko.

Ikubli mo na lang ako sa pangalang “Lost Soul” dahil tulirong-tuliro ako sa problemang kinikimkim ko ngayon.

Ako po ay 18-anyos nang maging biktima ng rape. Isang lalaki ang nakilala ko sa isang birthday party at medyo attracted ako sa kanya dahil mukhang maginoo at guwapo.

Mga dakong alas-sais ng gabi nang umalis kaming magkasama at niyaya niya ako sa isang pub house. May inilagay yata siyang gamot sa inumin ko kaya naging sunud-sunuran ako sa kanya. Wala ako sa sarili nang mga sandaling yaon.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na kasama niya sa isang mumurahing motel at hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil hindi ko maipaliwanag ang aking pagkalango nang mga sandaling yaon.

Nang pagbalikan ako ng malay ay nasa bahay na ako. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Pero diring-diri ang pakiramdam ko sa aking sarili. Hindi ko na rin nakita mula noon ang lalaking yaon.

Tatlong taon na nang mangyari yaon pero may pagbabagong nangyari sa akin. Laging nag-iinit ang aking katawan at naghahanap nang makakatalik. Alam kong mali pero hindi ko mapaglabanan ang tukso. May kinalaman kaya ito sa nangyari sa akin? Magagamot pa ba ito?

Lost Soul

Dear Lost Soul,

Hindi ako psychologist at hindi ko matiyak kung ang nangyaring trahedya sa iyo ang nagdudulot ng ganyang paghahanap ng sex.

Pero sa palagay ko, ang kailangan mo ngayon ay professional help. Huwag mong kimkimin sa sarili ang problema mo. May mga magulang ka marahil o nakatatandang kapatid, i-open mo sa kanila ang problema dahil walang daramay sa iyo kundi ‘yung pinakamalapit mong kaanak.

Dapat, noon pa mang unang mangyari yaon ay ipina-blotter mo na sa pulis ang pangyayari at ipinagsakdal ang lalaking yaon. Lubhang matagal na ang pangyayari at baka mawalan lang ng kabuluhan kung ngayon ka magrereklamo.

Inuulit ko, sumangguni ka sa psychiatrist o psychologist para ma-debrief ka sa malagim na nangyari sa buhay mo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with