^

Dr. Love

Sabik sa kapatid

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mula pagkabata sabik ako sa pagkakaroon ng kapatid. Nagsosolo kasi akong anak ng mga magulang ko.

Ang pangungulila ko ay nadagdagan pa ng panibagong alalahanin, makaraang malaman ko na hindi ako tunay na anak nang nakagisnan kong ama. Pero naging mabuti si Tatay Momoy sa akin, itinuring niya ako na parang tunay na anak. Ibinigay pa niya sa akin ang kanyang apelyido.

Pero sa kabila nito ay naging interesado pa rin akong makilala ang tunay kong ama, kaya kinulit ko si nanay. Sa madaling salita, natunton ko po ang aking biological father. Kinilala naman niya ako at humingi siya ng tawad.

Matagal na po ang tagpong iyon, Dr. Love. May sariling pamilya na ako at pareho nang  sumakabilang-buhay ang kinagisnan kong ama at ang biological father ko. Si nanay naman ay nag-uulyanin na.

Nalaman ko po na may isa akong kapatid sa ama at balak kong makipag-ugnayan sa kanya. Baka gaya ko ay nananabik din siya sa kapatid.

Paano po kaya ang dapat kong gawin para makipagkilala sa kanya? Baka isnabin lang niya ako. Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat po at may our good Lord always guide you para magsilbi pa kayong gabay sa mga may problema ninyong mga tagahanga.

Gumagalang,

Carolina

Dear Carolina,

Hindi mo malalaman kung magiging magiliw siya o hindi sa iyo, kung hindi mo susubukang makipagkilala sa kanya. Anong malay mo ay interesado rin siyang makilala ka. Kaya gawin mo.

Good luck sa inyo, sana matupad ang hangad mo na makapiling ang isang kapatid sa sandaling magkakilala na kayo ng half brother mo.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with