^

Dr. Love

Nokonsensya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta, Dr. Love? Nais ko pong ikonsulta para sa mahalaga ninyong payo ang aking problema sa pag-ibig.   Tawagin n’yo na lamang akong Ador, 30-anyos at binata pa.

Nagkaroon po ako ng girlfriend na kapitbahay namin. Itago mo na lang siya sa pangalang Jolin, 24-anyos. May asawa na siya at minsan na kaming nakalimot nang magtungo sa Cebu ang kanyang kabiyak. Nag-iisa siya sa kanilang bahay at dinalaw ko siya isang gabi. Wala pa silang anak kaya nag-iisa.

Nakalimot kami sa sarili at ginawa namin ang hindi nararapat. Pero hindi pa kami nakararaos ay ipinagtulakan niya ako at biglang humagulgol. Pinaalis ako sa kanilang bahay at sinabing huwag na raw kaming magkikita o mag-uusap.

Kahit hindi kami nakatapos sa pagtatalik, naaalala ko ang mga sandaling yaon at ayaw maalis sa aking isip. Gusto ko siyang balikan. Tama po ba na isulong ko ang gusto kong gawin?

Ador

Dear Ador,

Kaya ka niya ipinagtulakan ay sapagkat natanto niya na mali ang pagtaksilan niya ang kanyang asawa. Kaya ang pinaka­mabuti ay bigyan mo na siya ng katahimikan.

Ikaw din, dapat mong isipin na kung ikaw ang nasa katayuan ng asawa niya, ano mararamdaman mo na iniiputan ka sa ulo ng iyong misis?

Ador, ang maipapayo ko ay humanap ka nang walang asawa at huwag kang makikiapid sa misis ng iba.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with