^

Dr. Love

Transgender pala

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masasabi ko na ang kahinaan ko bilang babae ay ang maka-encounter ng guwapong lalaki. Dahil talaga naman na gagawin ko ang lahat para makilala siya at ang worst ay maging akin siya.

Pareho kami ng preference ng best friend ko sa puntong ito. Kaya naman nang makilala namin si Dexter ay hindi na kami mapalagay.

Malapit lang ang tinitirhang dorm ni Dexter sa aming unit, kaya napakadali makuha ang pagkakataong makasalubong siya at sadyang banggain sabay makikipagkilala.

Minsan umiral ang pagka-bad girl ni bff at nagyayang bosohan namin si Dexter. Gamit ang kanyang mga gadget. Hindi ko naiintindihan kung paano niya nai-set ang lahat. Pero ang tanging malinaw lang ay nabisto namin na hindi tunay na lalaki ang kinababaliwan naming si Dexter. Dahil isa siyang transgender o nagparetoke para mabago ang itsura at kasarian.

Wala po siyang boobs pero may female organ. Weird lang dahil sa katawan at boses niya ay wala talagang bakas ng pagkababae. Macho siya at boses lalaki.

Nang magkaroon kami ni Liz na maka-hangout si Dexter, sarilinan namin siyang kinausap at doon namin nalaman na babae talaga siya. Nang manirahan daw sila sa Amerika ay may pinatanggal siya sa kanyang lalamunan para mabago ang tibre ng boses at regular na nagpapaturok ng male hormone para mapanatili ang katawang lalaki niya.

OMG! Dr. Love, parang na-trauma ako sa experience na ‘yun. Tuloy nagkakaroon agad ako ng pagdududa kapag guwapo sa paningin ko ang isang lalaki. Feeling ko, mapepeke lang ako. Ano po ang gagawin ko?

Bekbek

Dear Bekbek,

Sobra ka kasing nag-expect, kaya natural lang na sobra rin ang disappointment mo. Pero normal lang naman ang humanga on physical basis. Ang kailangan mo lang ay maging mature enough na hindi mo lang sa pisikal ibabase ang pagkakaroon ng feelings para sa iyong natitipuhan. Learn to know them more bago mo hayaan ang nararamdaman mo. But for now, charge it to experience.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with