^

Dr. Love

Lahi ng baliw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Umaasa ako na mabibigyan mo ako ng payo sa problema ko. Una’y mabiyayang pagbati ang hatid ko sa iyo.

Tawagin mo na lang akong Kristine, 20-anyos at ang problema ko ay tungkol sa kasintahan ko.

Two years na kami at nagbabalak magpa­kasal.  Pero nitong nakalipas na ilang buwan ay may nakikita akong kakaiba sa kanya.

Kahit nag-iisa siya ay parang bubulung-bulong at paminsan-minsan ay tumatawa.

Ayaw kong usisain siya at baka magalit. Nalaman ko sa isang common friend na ang nanay ng boyfriend ko ay napasok sa mental institution at doon na namatay. May lahi raw silang baliw.

Natatakot ako, Dr. Love. Mahal ko siya pero ayaw kong magka-anak kami ng baliw. Paano kaya ako makikipag-break na hindi siya masasaktan?

Kristine

Dear Kristine,

Totoo ang sinabi mo. Ang pagiging baliw ay hereditary at gaano mo man kamahal ang isang tao ay dapat kang magdalawang-isip kung pakakasalan mo siya o hindi.

Hindi ko alam kung paano ka makikipagkalas sa kanya nang hindi siya masasaktan. Dahil talagang masakit iwanan ng taong mahal mo. Baka nga lumubha lalo ang kanyang kalagayan.

Kaya panindigan mo lang ang desisyon mo kung nais mong makipag-break.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with