^

Dr. Love

Nag-away dahil sa pulitika

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Cynth, 26-anyos at may asawa. Dati, magkasundo kami at very sweet ng mister kong si Mau. Hindi ko akalain na mag-aaway kami dahil lamang sa maliit na bagay.

Ang problema ko ngayon ay tungkol sa maselang pag-aaway namin. Isang linggo na kaming hindi nag-uusap  at ang dahilan ay simpleng pagtatalo sa pulitika.

Ang iboboto ko sa pagka-pangulo ay si Grace Poe habang siya naman ay si Duterte. Tinawag kong bastos at walang modo si Duterte dahil sa marumi niyang bunganga, bagay na ikinagalit niya.

Sinabi naman niya sa akin na kailanman ay hindi siya boboto sa isang Amerikana.

Nagkainitan kami at mula noon ay hindi na kami nag-uusap. Paano maaayos ang problema namin?

Cynth

Dear Cynth,

Mainit talaga ang pulitika ngayon at pati mga magkakapamilya ay nag-aaway at nagtatalo.

Dapat ay maggalangan kahit sino pa ang pinili nating iboto. Ang mahalaga, ang iboboto natin ay ‘yung inaakala nating karapat-dapat at makakapaghango  sa bawat Pilipino sa kahirapan.

Kung hindi ka kinakausap ng mister mo, ikaw na ang magpakumbaba at humingi ng tawad. Huwag nang pairalin ang pride.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with