^

Dr. Love

Magkaiba ng relihiyon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana ay abutan ka ng aking sulat na nasa mabuting kalagayan. Ako po si Andy, 20-anyos at anak ng isang pastor.

Ang problema ko po ay mayroon akong kasintahan na iba ang relihiyon at nang malaman ng mga magulang ko ay tumutol sila nang mahigpit.

Anila, magiging problema iyan pagdating ng araw. Saan daw pabibinyagan ang aming magiging anak, sa relihiyon ng girlfriend ko o sa relihiyon namin?

Tiniyak naman ng kasintahan ko na magiging sunud-sunuran siya sa akin kung saan mabibinyagan ang aming magiging anak pero hindi raw siya magpapalit ng relihiyon.

Iyan ang dahilan kung bakit ayaw sa kanya ng mga magulang ko dahil ang mag-asawa raw ay dapat nagkakaisa sa pananampalataya.

Ano ang gagawin ko?

Andy

Dear Andy,

Malamang nga na darating ang araw na ma­ging hadlang sa maganda ninyong pagsasama ang pagkakaiba ng inyong relihiyon.

Ang magagawa mo siguro ay isama ang kasintahan mo sa inyong gawain para makapagsuri siya kung dapat ba siyang lumipat ng pana­nampalataya.

Kasi, kung magpapalit siya ng relihiyon, kailangang malalim ang dahilan. Hindi lamang dahil mahal ka niya kundi nauunawaan niya ang pananampalatayang kanyang papasukan at nangusap sa kanya ang Diyos para umanib sa inyong kongregasyon.

Ipakita mo rin sa pamamagitan ng iyong gawa at ugali na ikaw ay nasa wastong pananampalataya para makumbinsi mo siyang sumama sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with