^

Dr. Love

Iisang babae ang mahal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Limang taon nang sumakabilang buhay ang mister ko, nang bumalik uli ang unang boyfriend kong si Lino.

Isa siyang US Navy at ikakasal sana kami nang maaksidente siya. Kinailangang putulin ang kaliwang paa niya para mailigtas ang buhay. Hindi na siya nagbalik ng Pilipinas mula nang boluntaryong magpa-discharge sa serbisyo. Ang matalik niyang kaibigan na si Alex ang nagbalita ng lahat sa akin.

Dati ko ring manliligaw si Alex, nauna siya kaysa kay Lino. Siya ang umaliw sa akin sa kalagitnaan ng paghihirap ng kalooban ko, nang hingin ni Alex ang kalayaan sa aming relasyon. Dahil hindi na raw niya ako mapapaligaya.

Kami ni Alex ang nagkatuluyan. May isa ka­ming anak si Leah na siyang naging katuwang ko nang ilugmok ng cancer ang kanyang ama. Dr. Love, kung kailan lumalalim na ang pagmamahal ko sa aking mister ay saka naman siya nawala sa aming mag-ina.

Sa huli naming pag-uusap na mag-anak, sinabi ni Alex na nalulungkot siya dahil hindi na niya aabutin ang first dance para sa debut ni Leah. Pero lingid sa aking kaalaman, inihabilin kami ni Alex kay Lino at ang muling panliligaw nito, maging ang muling pag-aalok ng kasal ay may basbas ng aking nasirang asawa.

Dumating si Lino sa debut ni Leah na nakaka­lakad na ng maayos dahil sa artificial leg. Hindi na raw siyang nahihiyang humarap sa amin.

Ito aniya ay sa katuparan ng ipinangakong first dance para sa aming anak. Hindi ko po akalain, Dr. Love na napakapalad ko sa pagkakaroon ng dalawang tapat magmahal na lalaki.

Kasal na po kami ni Lino ngayon at hinihintay na lang namin na makatapos sa kursong nursing si Leah bago kami sama-samang magtungo sa US.

Maraming-maraming salamat po at kahit na wala na ako dito, asahan ninyong susubaybayan ko ang inyong column.

Gumagalang 

Paula

Dear Paula,

Tunay na mapalad ka. Salamat sa pagtitiwala mo sa ating column, hangad naming lahat ang tuluy-tuloy na pagganda ng pagsasama ninyong mag-anak.

Advance Happy Valentine’s Day sa inyo.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with