^

Dr. Love

Pagsubok sa piling ni Bambu

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maginaw na araw sa’yo, sana laging kang in good health lalo na sa pagtanggap mo ng email ko.

Wala talagang katulad ang pakiramdam kapag nagsisimula pa lang ang dalawang lovers sa pagbuo ng memories bilang partners. Pero gaya ng bukam-bibig ng marami, dumarating ang pagsubok.

Nasa ikalimang taon na kami ng pagsasama ni Bambu, wala sanang problema dahil maligaya kami. Hanggang sa matuklasan kong may itinatago pala siya sa akin.

May tatlong taon na sa serbisyo bilang bumbero ang boyfriend ko bago kami magkakilala. Kakaiba pero nasa kasagsagan ng sila ng operation sa lugar namin dahil sa insidente ng sunog nang magkatagpo kami.

Mabilis na lumipas ang ligawan sa pagitan namin at naging mag-on kami. Pareho na kaming nasa edad para lumagay sa tahimik. Minsan na rin naming napag-usapan ang pagbuo ng sariling pamilya.

Pero ngayon ay nakakaramdam ako ng pa­ngamba kung sasama pa ako sa mga pinangarap namin. Nalaman kung may anak na siya. Ayaw ko po ng pakiramdam na pangalawa lang ako.

Hindi ko pa alam kung nagpakasal sila ng ina ng bata at natatakot akong marinig ang sagot dun. Hati po ang kalooban ko ngayon. Nagmamaktol ang kalooban ko dahil inilihim ni Bambu ang bagay na ‘yun sa mahabang panahon ng pagsasama namin. Pero kapag naiisip ko na permanente na kaming magkakalayo, nahihirapan na ko. Pagpayuhan po ninyo ako.

Lei

Dear Lei,

Ang malaking bangungot ay nagsisimula sa tuldok na pangamba. Kaya alamin mo ang totoo sa boyfriend mo. Sa sandaling malantad sa’yo ang lahat, unti-unti mong kapain sa sarili mo kung nakahanda kang piliin pa rin siya, kasama ng mga sirkumtansiyang natuklasan mo tungkol sa kanya. Kung oo ang sagot mo, go! Pero kung may bahid na nang pag-aalinlangan, habang maaga pa kumawala ka na sa inyong relasyon. Dahil ang mistulang lamat sa pagtitiwala mo sa iyong boyfriend ay pihadong pagmumulan ng hindi ninyo pagkakaunawaan.

Pag-isipan mo ng mabuti at siguraduhin mo ang iyong desidyon para wala kang pagsisihan sa huli.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with